^
Maine sinorpresa si Arjo sa abs-cbn event
maine

Maine sinorpresa si Arjo sa abs-cbn event

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Sa kabila ng kawalan ng franchise kaya wala sa free TV ang ABS-CBN, mas pinili pa rin nina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano na pumirma ng kontrata sa Kapamilya network na namamayagpag ngayon sa digital platforms. Pinamagatang Kapamilya Strong ang renewal nila kahapon sa network.

At kabilang sa pa-surprise ng event si Maine Mendoza na kabilang sa nag-congra­tulate sa bagong milestone ng career ni Arjo. At may pa-love you pa ang Kapuso star sa kanyang boyfriend. “I wish you more success in your career, more projects, more challenging and exciting roles. And please know that I am always here for you, with you, and always right behind you to give you my 110% support in everything that you do, and also to celebrate every milestone with you, like this one. There’s so much in store for you, that I know for sure. Pero ngayon pa lang, sasabihin ko na sobrang proud ako sa ‘yo, sa mga narating mo at sa mga mararating mo pa. Just keep doing what you love. ‘Yun lang, congratulations and love you,” ang video message ni Maine.

Pero bago ito ay nag-taping na si Arjo sa birthday presentation ng Daddy’s Gurl nina Vic Sotto and Maine sa GMA 7, kaya it’s a tie naman.

Speaking of ABS-CBN na ang duda ay after pa ng administration ni Pangulong Duterte magkakaroon uli ng franchise, muli silang kinilala dahil sa maayos na pamamalakad nito sa kumpanya kasama ang iba pang mahuhusay na organisasyon sa Pilipinas sa ginanap na ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Awards noong ika-19 ng Pebrero.

Tulad noong 2018, tanging ang network lang ang media company sa mga orga­nisasyong pinarangalan para sa kanilang magandang pamamalakad base sa isinagawang ACGS noong 2019.

Ang ACGS ay ginagamit sa anim na bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations upang suriin at palakasin ang pamamahala at pagpapatakbo sa mga “publicly-listed” na kumpanya sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam.

Tinitingnan nito ang mga karapatan at pagtrato sa shareholders, ang pagiging bukas at tapat ng organi­sasyon, mga responsibilidad ng board, at iba pang mga kumpanya.

Maliban sa ABS-CBN, pinarangalan din sa Golden Arrow Awards ang ibang kumpanya ng Lopez Group.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with