^
Derek Ramsay aminadong 'crush' si Ellen Adarna habang tsinitsimis sa pagkakaigihan
Litrato nina Ellen Adarna (kaliwa) at Derek Ramsay (kanan) na magkasama, ika-26 ng Pebrero, 2021
Mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Derek Ramsay aminadong 'crush' si Ellen Adarna habang tsinitsimis sa pagkakaigihan

James Relativo (Philstar.com) - February 26, 2021 - 5:49pm

MANILA, Philippines — Tila kinumpirma na ng aktor na si Derek Ramsay ang tunay na nararamdaman para sa kapwa showbiz personality na si Ellen Adarna matapos ang mahigit isang buwang espekulasyon nang marami sa namamagitan sa dalawa.

"Crush," sabi ni Derek, Biyernes, sa litrato nila ni Ellen sa IG habang isinasandal ng babae ang ulo sa balikat ng aktor.

Sinagot naman ni Adarna ang comment ni Ramsay kanina at sinabing: "@ramsayderek07 crush mo palang ako dito.. wow hhahhahaha."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Kapansin-kapansing napapadalas ang social media posts nina Ellen at Derek na magkasama matapos makipaghiwalay ng aktres kay John Lloyd Cruz, na kilalang ama ni baby Elias.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ilabas ng kaibigan ni Derek ang ilang "resibo" na "in love" siya kay Ellen, bagay na ni-repost naman ng aktres.

Matatandaang magkasama sina Ellen at Derek noong Araw ng mga Puso, dahilan para pagtsismisan ng ilan kung magjowa na ba ang dalawa.

Kaugnay na balita: Ellen Adarna reposts friend’s ‘receipts’ saying Derek Ramsay is ‘in love’ with her

Basahin: Ellen Adarna, Derek Ramsay spend Valentine's Day together

Sa kabila niyan, Enero lang nang sabihin ni Ellen na walang romantic links sa pagitan nila ng Kapuso hunk actor.

Kilig na kilig naman ang netizens sa ka-sweetan ng dalawa kanina at duda kung simpleng paghanga lang talaga ang nararamdaman ng lalaki sa TV5 talent.

"Crush? Yay ano yan puppy love. Elementary lang," wika ng IG user na si _hikarushine_.

"@maria.elena.adarna more on crush love na yan," sambit naman ni limmochellei6.

Sa kabila niyan, boto pa rin ang ilan kina Derek at Andrea Torres, na kilalang ex-girlfriend naman ng aktor.

Kaugnay na balita: Derek nagsalita sa landian nila ni Ellen, umaming napagod kay Andrea

Eto na kaya ang "happily ever after" para kina Ramsay at Adarna? Oras na lang siguro ang makapagsasabi kung matutuloy sa relasyon o hindi ang pagiging malapit ng dalawa.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with