^
Derek nagsalita sa landian nila ni Ellen, umaming napagod kay Andrea
Ellen at Derek

Derek nagsalita sa landian nila ni Ellen, umaming napagod kay Andrea

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Naaliw ako kung paano ako sinagot ni Derek Ramsay sa isyu nila ni Ellen Adarna, dahil sa ilang Instagram posts ni Ruffa Gutierrez sa dinner na inihanda ng Kapuso actor para sa kanila.

Hindi ko kasi nabasa agad ang text niya sa akin nang hingan ko siya ng reaksyon kaugnay dito. “Lahat na lang may issue sa akin. Akala ko ba ayoko na sa babae and I’m gay?”

Natatawa pa siya nang sinabi niyang “…and I’m gay” dahil binabakla rin niya ito.

Paliwanag ng Kapuso actor, nakita raw niya sa isang restaurant ang bestfriend niyang si John Estrada kasama si Ellen Adarna at ilang staff na nagmi-meeting. Pre-production daw iyon sa sitcom na ginagawa nina John na John en Ellen na malapit na ring mapanood sa TV5. Nagkatsikahan daw sila doon at nalaman nga raw niyang magkakapitbahay daw pala sila roon sa Ayala, Alabang. Isang kalye sila ni Ruffa Gutierrez, at malapit lang din doon si Ellen.

Kaya nagyaya raw siyang mag-dinner sa kanila, at nangyari na nga ito noong Lunes January 11. Doon daw sila nagkausap ni Ellen at nabanggit pa nga raw niyang dapat ay magsama sila sa pelikulang Escort, pero hindi natuloy doon si Ellen.

Aware sila na kinukunan sila ni Ruffa at ipinost pa ito sa kanyang IG story pero hindi naman daw naisip ni Derek na magiging isyu pa iyon. “Hindi ko na naisip yun, kasi alam mo naman ako hindi naman ako nag-iisip ng ganyan eh,” pakli ni Derek nang makatsikahan ko sa telepono noong Martes ng hapon.

Tinutukso sila ni Ruffa, at sinasabi pa ng aktres na bagay silang dalawa. May isa pa silang non-showbiz friend na nakikisali rin sa tuksuhan pero sabi niya hindi raw joke iyung nagmumuwestra siya ng korteng puso sa likod nina Derek at Ellen.

Sabi naman ni Derek, nakakapagod na raw ang matinding bashing sa kanya pero kaya naman daw niyang harapin. Ang nakakahiya lang daw ay maraming mga taong nadadamay na wala namang kinalaman sa isyu ng break-up nila ni Andrea Torres.

Aniya; “Grabe na. Nakakahiya kay Pops (Fernandez) na friend ng mom ko. Pati si Bea (Alonzo) binuntis ko raw. Ngayon naman lalaki? Hindi ko na alam kung saan nanggagaling lahat ‘to. Napakatahimik kong tao. We’re all having fun.”

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Derek kung kailan na siya babalik ng trabaho. Definitely, hindi na nila gagawin ni Andrea ang Sanggang Dikit at meron daw inaalok ang GMA 7 na drama series. Baka sa March daw siya magsisimula. “I’m in a…I guess sa position in my life na hindi ko na alam kung ano ‘yung gagawin ko. Parang napapagod na ako eh,” pakli niya.

Nakakaya naman daw niyang harapin ang mga matitin­ding bashing pero nakakapagod na rin daw at hindi na raw niya alam kung saan ito nanggaling.

“Like I said, with all the people bashing and all of that kaya ko ‘yun. It’s not a problem for me. It’s just the words. Pero ‘yung tahimik lang si Andrea and yung pamilya niya… Kung hindi man sila magsalita tungkol sa akin, magsalita naman sila sa mga inosenteng taong nadadamay.

“For me, kapag may ibang taong nagsasalita ng masama kay Andrea na hindi totoo, sinasagot ko out of respect for her family and sa pagkaka­kilala ko kay Andrea, sinasabi ko.

“I guess it’s just two different people. So, she has her way of dealing of things. I had my way of dealing with things. Pero napagod ako,” diretsong pahayag ni Derek.

Ali, mas gusto na lang mag-travel

Itinatanggi ni Ali Sotto na ang sibuyas ang dahilan ng pag-alis niya sa GMA 7. Mahaba rin ang pinag-usapan namin ni Ali tungkol sa hindi niya pag-renew ng kontrata, pero nangako akong hindi na ito isusulat.

Ang gusto lang niyang linawin ay never daw niyang inutusan ang PA o ang staff na kunin sa labas ang ipinadalang sibuyas. Parang lumalabas naman daw siyang unprofessional at napaka-petty kung iyon lang ang dahilan.

Kahit tanungin ko pa raw ang PA, never daw niya itong inutusan.

May malalim na dahilan kung bakit umabot siya sa ganung desisyon, pero mas gusto na lang ni Ali na manahimik.

Ayaw na raw niyang magdetalye pa at baka lumalabas na nagba-badmouth na siya.

Mas marami raw siyang magagandang bagay na kailangang pag-usapan kesa sa mga diperensya ng mga nakatrabaho niya.

Mas gusto ni Ali na huwag nang ma-stress sa trabaho at mag-travel na lang. “Mas gusto ko ‘yung traveler talaga. ‘Yung dalawa o tatlong buwan ka sa isang lugar, hindi ‘yung ilang linggo lang na turista ka. Ayoko ng ganun,” bulalas ni Ali.

Kelvin, ginagamit na stepping stone ang mga nega

Impressive ang trailer ng The Lost Recipe na magsisimula na sa Lunes, January 18, ng 8 ng gabi sa GMA News TV.

Si direk Monti Parungao ang direktor at bida rito sina Kelvin Miranda at MIkee Quintos ang bida.

Sa trailer pa lang, nakikitang may mga anggulo talaga si Kelvin na parang si James Reid.

Pero aware ang young actor na hindi maga­ganda ang mga komentong nakakarating sa kanya lalo nang in-announce na siya ang magbibida sa The Lost Recipe. Hindi na ito minasama ng aktor, sa halip ay ginagamit na lang daw niya ito para marating ang gusto niyang tahakin sa kanyang showbiz career.

“Sanay na po,” pakli ni Kelvin nang makapanayam namin sa virtual mediacon ng The Lost Recipe noong nakaraang Martes ng hapon.

“Sa akin kasi baka mas makakasama pa kung intindihin ko ‘yung negative side. Ginagawa ko na lang siyang stepping stone para mas makatulong sa gusto kong puntahan,” saad ni Kelvin.

Kasama pa nila rito sina Thea Tolentino at Paul Salas na lalong nagiging hunk.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with