^

PSN Showbiz

Awit para sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ni Jamie gagamitin sa Vatican

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Awit para sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ni Jamie gagamitin sa Vatican
Jamie

Inilunsad na ni Jamie Rivera ang inspirational na awiting We Give Our Yes, ang official mission song ng pagdiriwang ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas na nagsimula ngayong buwan.

Ibinahagi ni Jamie ang kanyang karangalan sa pag-awit ng kanta sa naging We Give Our Yes virtual media conference ng Star Music kahapon kasabay ng Ash Wednesday. Aniya, “I think this is really my mission, a mission for me to be able to give people a prayer and, at the same time, they could sing with it as well.”

Unang pinerform ni Jamie ang We Give Our Yes sa Manila Cathedral sa pagsisimula ng Archdiocese of Manila ng 500 Years of Christianity festivities noong Pebrero 6.

At ngayon nga ay nakatakda itong awitin sa Vatican sa mass na mismong si Pope Francis ang mag-o-officiate para pa rin sa celebration ng 500 years of Christia­nity.

Inilabas na ito ng Star Music noong isang Linggo - kasama ang lyric video nito, may higit 150K combined views na ang kanta sa Star Music YouTube channel.

Si Frank Mamaril ang nagdirek ng music video na kinuhanan sa Manila Cathedral at nagtatampok din ng mahahalagang Catholic Church events ng nakaraan.

Makikita rin dito si Jamie na suot ang gown na ginawa ng Filipino fashion designer na si Mak Tumang.

Unang kinomisyon ang kantang We Give Our Yes ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pag-alala sa ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa. Hatid nito ang mensahe ng pananampala­taya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at reminder para sa mga Pilipino na patuloy na mag-‘yes’ sa misyon ni Hesus.

Ang multi-awarded church composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang siyang sumulat nito at pinrodyus naman ng multi-awarded hitmaker at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang rendisyon ni Jamie.

Kilalang Inspirational Diva si Jamie kaya naman natanong kung gaano ba siya talaga ka-religious? “Lumaki ako sa pamilyang religious, hindi talaga siya nawala. Ang maganda sa lumaki ka sa gano­ong klaseng pamilya, hindi ba ‘the family that prays together, stays together.’ So kahit anong klaseng paghihirap na dumating sa buhay namin, sa buhay ko, hindi nawala ang faith ko. Nare-realize ko lang na ang hirap ng buhay, pero hindi maso-solve ang problem mo na todo-todo, pero magaan, kasi alam mo na nandiyan si Lord na He will carry you,” paliwanag niya na aniya ngayong may pandemic ay mas lumakas pa ang pagkapit niya sa Diyos.

vuukle comment

JAMIE RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with