^
Bago naisyuhan sa party grupo ni Tim, namakyaw ng painting sa Baguio
KC

Bago naisyuhan sa party grupo ni Tim, namakyaw ng painting sa Baguio

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

Walang comment si KC Concepcion sa kontrobersya sa birthday party ng kaibigang si Tim Yap sa Baguio kamakailan na diumano’y lumabag sa health protocols.

Abala na uli ngayon si KC sa pagdi-design uli ng binebenta niyang mga alahas. “Started like many solo entrepreneurs started- working from their apartments, kitchens, bedrooms. My home isn’t really a home anymore, it’s my studio, workshop, office... The entrepreneur life is NOT easy, it requires lots of faith, multitas­king, long hours, problem solving, creativity, attention to detail AND the big picture, listening to customers, an open mind, a grateful heart, a fighter’s spirit and a monk’s patience. Also, passion and practicality, how to balance both is the challenge.

“I do the job of 10 people for this 2 year old biz of mine (not counting 2020). Keep going, learning, building... and praying for the right mentors to be disciplined and inspired by, and a tight team to grow with.”

Nagka-issue ang nasabing party ni Tim nang kumalat ang Tweet ng GaysOverCovidPh kung saan makikita ang grupo ni Tim na nagpa-party at walang suot na mask na may “And please don’t worry! We all took tests” na caption.

Pero sinabi ni Tim na edited ang compilation ng nasabing mga video kung saan ang lahat ay may mask and PPE na hindi umano nakita sa social media.

Though nag-apologize na rin si Tim sa story ng CNN. “There is no excuse for wearing masks. I apologize for that. We have to be vigilant for each other. It is not in my wishes to endanger everyone. I am very sorry for those videos which saw us wearing without masks.”

Well, kasama sa party si Baguio City Mayor and contact tracing czar Benjamin Magalong kaya alam naman siguro niyang nagkasiyahan lang ang grupo nila Tim.

Katuwiran ni Mayor Magalong, malaking tulong ang nasabing party ni Tim sa tourism industry ng Baguio lalo na nang mamili ang grupo nito ng paintings. “Ang dami ho nilang nabiling art, paintings...Alam n’yo naman ho ‘yung mga local artists namin, talagang naghihikahos. So mabuti na ho na dumating sila at ang dami nilang nabili,” sabi nito sa kanyang interview sa DZMM.

My gosh, ang hirap na ngayong mag-party.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with