^

PSN Showbiz

Ate Guy, hindi na umaasang magiging National Artist

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, hindi na umaasang magiging National Artist
Nora
STAR/ File

Marami pa rin mula sa libu-libong tagahanga ni Nora Aunor ang umaasa na mapapabilang ang nag-iisang Superstar sa listahan ng National Artists sa bansa. Matatandaang dalawang beses nang naging nominado ang aktres para maging National Artist for Films and Broadcast Arts pero hindi naman ito naaprubahan.

Malaki ang pasasalamat ni Nora sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya at nagsusulong upang kilalanin bilang National Artist. “Alam n’yo po, kahit sabihin ko man na noon pa man, napababalita na ako po ay ino-nominate sa pagiging National Artist, ako po naman ay talagang hindi umaasa, ‘yan po ang totoo niyan. Pero ang aking paniniwala, mayroon pang ibang artists siguro na mas karapat-dapat po kaysa sa akin na kanilang hihirangin bilang National Artist,” paglalahad ni Nora.

Para sa Superstar ay mas mahalaga pa rin ang patuloy na pagtangkilik ng mga tagahanga sa lahat ng kanyang mga ginagawang proyekto. “Nagpapasalamat po ako sa mga tao na naniniwala sa aking sining at naniniwala na kung karapat-dapat ako na sinasabi nga nila na maging National Artist. Hayaan na po natin na ang Diyos ang magpatunay niyan at kung ‘yan ay talagang ipagkakaloob sa atin. Talagang ibibigay po sa atin ‘yan. Kung hindi naman, hindi naman,” makahulugang pahayag ng beteranang aktres.

Posibleng maging National Artist ang isang alagad ng sining dahil sa mga hindi matatawarang naging kontribus­yon sa industriya at ang pagkakaroon ng maraming awards o pagkilala dahil sa mga ginagawang proyekto.

Bea, maraming natutunan SA 2020

Noong isang taon ay lumipat na si Bea Alonzo sa panganga­laga ni Shirley Kuan. Halos dalawang dekada rin ang inabot ng aktres sa pamunuan ng Star Magic bago pa tuluyang umalis ilang buwan na ang nakalilipas.

Umaasa ang dalaga na mas magiging maayos ang kanyang karera ngayong taon. “I pray that 2021 will be a better year for all of us. I’m claiming it. We will all survive and we will apply all the things that we have learned in 2020. I’m so energized. I’m so excited for what’s in store for everyone this year. I will be doing three mo­vies in fact until June. I’m glad that I can share it with you,” nakangiting pahayag ni Bea.

Ayon sa aktres ay mara­ming mga bagay ang kanyang natutunan noong 2020 lalo na pagda­ting sa kanyang showbiz career. “If there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door you should always say yes,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

NORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with