^

PSN Showbiz

Zsa Zsa at KZ, masusubukan sa hulaan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa at KZ, masusubukan sa hulaan

Nagbabalik sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan para subukin ang kanilang galing sa panghuhula sa paboritong mystery game show ng bansa na I Can See Your Voice na napapanood na rin sa A2Z channel sa mga digital TV boxes gaya ng TVplus.

Siguradong masusubukan ang mga see-cret songers ng mga bagong pakulo ngayong ikatlong season ng game show. Hahatiin na sila sa dalawang grupo at sa unang round pa lamang, sasabak na agad sila sa lipsync performances.

Makakasama pa rin ngayong linggo si Jona ng sing-vestigators na sina Long Mejia, Negi, Kaladkaren, Andrew E, at Nikko Natividad.

Bukod dito, abangan din ang pagbabahagi ni KZ ng kanilang “new normal” wedding ng asawang si TJ Monterde.

Samantala, alamin din ang kwento ni Zsa Zsa tungkol sa buhay probinsya at vlog niya.

Panoorin kung see-nger nga ang mapili nina KZ at Zsa Zsa sa I Can See Your Voice  ngayong Sabado, 7:45 p.m., at Linggo 7:15 p.m. sa A2Z channel.

Aicelle and Mark, magkaiba ang plano sa mga magiging anak

Hindi kukuha ng yaya ang mag-asawang Aicelle Santos and Mark Zambrano.

Ayon kay Aicelle, since ganito naman ang sitwasyon sa kasalukuyan na may pandemic nga, sila na lang daw ng mister niyang GMA News reporter ang mag-aalaga sa baby na sa virtual baby shower ay ini-reveal na rin nila ang magiging pangalan ng kanilang baby girl na nakatakdang ipanganak ng Kapuso singer sa Disyembre.

Ibinahagi nga ni Aicelle ang naging masayang online celebration na ‘yun sa isang Instagram post at pinasalamatan na rin ang mga malalapit na tao sa kanilang buhay, “Still on a high from Baby Zandrine’s online baby shower! Yes! We are naming our firstborn, Zandrine Anne! Our heartfelt gratitude to friends, families, ninangs and ninongs, GMA and STAGES family, sponsors and brands for showering us with their presence, heartwar­ming messa­ges, gifts and songs. We are truly, truly grateful for each one of you,” sabi niya bago pa namin siya nakatsikahan sa isang Zoom conference days ago.

Nabanggit din nga pala ng soon-to-be parents ang tungkol sa pangalan na kanilang napili.  “Zandrine came from Sandrine with an S, and yung Sandrine with an S came from the name Alexandria, which also came from the name Alexander which means “protector of men”  so medyo may Biblical (reference).

“Protector of men; I think fits my daughter kasi nga yung mom niya is a very level-headed woman, very strong character, so feeling ko na-inherit niya,” ang paliwanag ng mister niyang si Mark.

Aminado naman ang singer na ang first trimester niya ang pinaka-mahirap at emotional dahil sa pandemic.

Samantala, magkaiba ang plano ng mag-asawa kung ilan ang plano nila.

Si Mark ay lima ang sagot, habang dalawa lang ang gusto ni Aicelle.

Maraming artista mas abala pa sa pamimigay ng tulong

Tuloy ang pagbibigay ng tulong ng maraming artista sa mga winasak ng magkakasunod na bagyo.

Kahapon ay sumama sa Philippine Coast Guard si Gerald Anderson,  truckload ang dadalhin nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado sa Cagayan, habang nakalikom na si Vice Ganda ng P1.5 million.

Nauna nang nagpunta sa Cagayan sina KC Concepcion, Ruffa Gutierrez, Ivana Alawi, ang grupo nina Dingdong Dantes na Aktor.PH, Angel Locsin, Marian Rivera, Bea Alonzo, at mara­ming-marami pang iba.

Actually, true na mas active pa ngayon ang mga celebrity sa pamimigay ng tulong kesa sa ibang mga pulitiko na mahilig lang maki-ride ‘pag may pogi issue.

 

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with