_ngayon
^
Sanya, ipinalit kay Marian sa First Yaya?!
Sanya
STAR/ File

Sanya, ipinalit kay Marian sa First Yaya?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

Sa Lunes na raw ia-announce ng GMA 7 kung sino na ang magiging First Yaya na kapalit ni Marian Rivera.

Bago pa sinabing magkakaroon ng announcement tungkol sa bagong proyektong ito, may naririnig na kaming si Sanya Lopez na ang papalit.

Hindi pa ito kinumpirma ng GMA 7 sa amin, dahil pinapaaabangan na ang lang launching sa bagong seryeng ito na tailor-made sana talaga kay Marian.

Sinabi naman noon ni Marian na  gusto man daw talaga niyang gawin, pero dahil nga sa sitwasyon natin ngayon, ayaw naman niyang ilagay sa risk ang kanyang pamilya lalo na sina Zia at. Naintindihan naman iyun ng GMA 7, pero maganda ang konsepto nitong First Yaya kaya itinuloy pa rin nila.

Bago pa nag-quarantine, nagsimula na si Sanya sa Agimat ng Agila  l­eading lady ni Sen. Bong Revilla.

Ang pagkakaalam ko, next month na sila magbabalik-taping kaya lagare ang seksing aktres kung gagawin na rin niya ang First Yaya.

Mukhang interesting naman at nakakaaliw ang tandem nila rito ni Gabby Concepcion.

Ang bongga tuloy ni Sanya na bukod kay Gabby, may Sen. Bong Revilla pa siyang ka-partner.

Maganda ang taong ito para kay Sanya kahit nasa gitna ng pandemya.

Sana kung ano ang blessings na dumating kay Marian nung umalis si Angel Locsin sa GMA 7, ganundin sana kay Sanya na sa kanya ang napunta ang proyektong dapat kay Marian.

Vice nagpakabait sa pagsisimula sa A2Z

Ang saya-saya ng mga taga-It’s Showtime sa kanilang pagsisimula sa A2Z 11 ng ZOE TV. Paulit-ulit na nagpapasalamat sina Vice Ganda na binigyan sila ng network ni Bro. Eddie Villanueva na mapanood ang Kapamilya shows.

Hindi napigilan ni Kim Chiu na maluha sa sobrang saya kaya pinaglaruan na lang siya ng ilang co-hosts.

May partisipasyon din si Anne Curtis via Zoom na nasa Melbourne, Australia pa.

Tinanong siya kung kailan na siya babalik sa kanilang programa, “malapit na,” nakangiti niyang sagot.

Pagkatapos ng opening number, nagpalit ng damit si Vice Ganda ng isang white long dress na mala-diwata ang dating pero may nakasulat na salitang ‘MABAIT’.

Tinanong daw kasi siya kung ano ang isusuot niya, sabi lang daw niya “Mabait”. Talagang may nakasulat na salitang iyun para safe na safe na ang suot niya.

Marami ang nagsasabing magiging limitado ang mga pakuwela ni Vice Ganda sa It’s Showtime dahil nasa isang Christian station na sila.

Kaya maaring hindi na gagawin ni Vice Ganda ang paglalandi niya at minsan ang pa-sweet nila ni Ion Perez na dati nilang ginagawa sa ABS-CBN 2.

Pero sabi nga nila, paulit-ulit daw silang nagpapasalamat sa pagbibigay sa kanila ng isa pang tahanan para sa kanilang Kapamilya.

Bongga rin ang pantapat ng Eat Bulaga na kung saan si Maritoni Fernandez ang naglaro ng Bawal Judgmental na tumalakay sa mga tatay na may anak na transwoman.

Dagdag pa rito, ang dating Streetboys member na si Spencer Reyes na nakatira na sa Scotland. Talagang tapatan sina Spencer sa Eat Bulaga at sina Vhong Navarro at Jong Hilario sa It’s Showtime.

Mayor Lani, mamimigay ng bisikleta

Mamimigay ng higit 100 na bisikleta si Mayor Lani Mercado-Revilla sa mga taga-Bacoor bilang bahagi ng programa ng Lungsod na Lingap Bisikleta, Bike With a Heart.

Sabi ni Mayor Lani, para raw ito sa mga deserving na manggagawa sa Cavite, lalo na ang mga frontliners na kailangan talaga nito para gamitin nila sa pagpasok sa trabaho.

Kasabay ng pagpapasinaya ng Bike lanes sa ilang kalsada ng Bacoor sa October 25, doon na rin daw nila ia-award ang bisikleta sa mga deserving na manggagawa ng Cavite.

Katuwang daw dito ang UKBAS o Ugnayan ng Kapulisan, Barangay, at Siklista.

YAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with