^

PSN Showbiz

Christopher, walang pinalalampas na Take It...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher, walang pinalalampas na Take It...
Christopher de Leon

Wala palang mintis sa pano­nood ng Take It… Per Minute, Me Ganun! tuwing Tuesday ng 12 to 1 ng hapon sa Facebook page at YouTube ng Pilipino Star NGAYON si Christopher de Leon.

Tuwang-tuwa pala siya, Salve, sa mga pinag-uusapan natin at naloloka siya sa mga blind item. Ang ganda nga na ang tinanong niya, sino ang gumawa ng glass partition natin eh ‘di ba linggu-linggo tayong nagpapasalamat kay Filipina Magtalas.

‘Katuwa nga na kung minsan naisip daw niya na para bang walang tigil ang dating ng mga pagkain, at ‘yung mga naka-display na pro­ducts sa mesa natin.

Naku, at least dalawa na sila ni Jude Estrada na solid viewers natin, baka gusto lang pabati ni Christopher at Sandy Andolong, hah hah. Magpadala muna sila ng food, o ‘di bah, pati sila haharbatan ko. Kaloka talaga. 

‘Radio war,’ USO na rin

Akala ko wala na ang network war, ngayon pala, meron na rin pati radio war, hah hah.

Kasi nga may portion si Ted Failon sa radio show niya sa TV5 na parang chikahan portion na very light lang. At niri-request niya na mag-guest by phone patch si Christopher. Ang ganda nang naging usapan nila, at talagang iba rin ang texture dahil Ted Failon at DJ Chacha ang anchors.

Ni-request ni Ted kung puwede si Dingdong Dantes, siyempre ang yabang ko dahil ninang naman ako ni Dingdong at Marian Rivera, “sige kausapin ko,” sabi ko kay Ted. “Yes” agad ang sagot ni Dingdong. Ang naging problema, sabi ni Perry Lansigan, ang mabait niyang ma­nager, kailangang magpaalam sa management.

Wow, five minutes na phone patch sa radyo para namang ayaw kong mapagod mag-request ‘di bah? So kung ganu’n ang kaso kay Dingdong, magiging sitwasyon din kay Alden Richards na isa pa sana sa kakausapin ko for Ted, dahil madali rin itong lambingin.

Akala ko naman, network war lang, meron na rin palang radio war, hah hah. Siyempre nga bawat radio station ay nakakabit sa TV, kaya nga merong teleradyo, ngayon ay mga star na rin ng kanya-kanyang network ang puwede na lang din sa nakakabit nilang radio station. Bongga!

Pandemic na, hindi ba puwedeng open sesame na? 

‘FB poser, peke pati birthday ko’

Worried si Jerry Olea kahapon dahil meron daw nakikipag-friend sa kanya sa Facebook gamit ang pangalan ko. Hindi ba matagal na nating sinasabi Salve na Instagram lang ang meron ako, wala akong Facebook, Twitter o ano pang social media account. Natawa nga ako nang sabihin ni Jerry na ang birthday ng poser eh February, samantalang all these years ipinagkakalat ko ang birth month ko na May para sa mga magpapadala ng regalo sa akin, hah hah hah.

Talagang matapang din ang mga poser dahil mga showbiz repor­ter pa ang kinukuhang friends eh ang dali namang makausap ng mga reporter para ma-verify.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with