_ngayon
^
Coney Reyes, nag-make up kahit walang pupuntahan
Coney Reyes

Coney Reyes, nag-make up kahit walang pupuntahan

Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2020 - 12:00am

Happy at proud na ibinahagi ng seasoned actress na si Coney Reyes ang kanyang quarantine makeup look simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso.

Ayon sa Love of my Life actress, ito ang unang beses na nakapaglagay siya ng makeup matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, ipinasilip ni Coney ang kanyang naging look. Aniya, “First time in what - five months - since I last applied some makeup! Wala naman pinuntahan. I just did an anniversary video greet for our church friends overseas. My effort putting on makeup deserves a post amidst this pandemic. #marunongparinnamanpala #practicenaulimagmakeup #nomakeupartist #DIYmakeup #2020quarantine.”

Samantala, wala pang bagong balita kung kailan magbabalik-taping ang Love of my Life kung saan parte ang nanay ni Pasig Mayor Vico ng cast bilang si Isabella Gonzales, isang mayamang biyuda.

Food Diaries, inaabangan!

Marami ang naku-curious kung sino ang magiging mukha ng Lockdown: Food Diaries na mapapanood sa GMA-7 soon.

Sa mga promo ay puro silhouette pa lang ng host ang makikita.

Tampok sa Lockdown: Food Diaries ang mga kuwentong napapanahon at busog sa impormasyon. Siyempre, related pa rin sa current events ang nasabing palabas.

Ang tanong nga sa mga inilabas na teaser, “paano nga ba binago ng COVID-19 pandemic ang industriya ng pagkaing Pinoy?”

At dahil produced under GMA Public Affairs, malamang ay tatalakayin ng Lockdown: Food Diaries ang naging epekto ng pandemic sa food industry lalo na dito sa Pilipinas.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with