^

PSN Showbiz

Joshua, nagkaroon ng bagong karanasan kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, nagkaroon ng bagong karanasan kay Julia
Julia at Joshua
STAR/ File

Napapanood na ngayon sa Kapamil­ya Online Live ang Love Unlock: E-numan na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Nakapag-shoot sa kanya-kanyang mga bahay sa pamamagitan ng Zoom ang dating magkasintahan para sa naturang digital film. Ayon kay Joshua ay isang bagong karanasan ito sa kanyang karera bilang isang aktor. Kahit komportable na ang binata na makatrabaho si Julia ay nanibago pa rin umano siya sa mga ginawang eksena.

“First time kasi naming mag-shoot sa Zoom. So parang ang hirap kapain kung paano mapapaganda ‘yung scene. So nanood pa ako ng Unfriended para makita ko kung paano ang itsura kapag virtual. Shinoot namin ito no’ng May pa eh, pero nagkaka-text naman kami ni Julia. Kumustahan lang,” kwento ni Joshua.

Samantala, mahigit tatlong milyon na ang followers ng aktor sa Instagram. Maraming mga tagahanga ang patuloy na sumusubaybay kay Joshua kahit hindi aktibo sa social media.

“Hindi ko alam kung ano ipo-post ko. At least ngayon may masasabi na ako sa mga fans ko na may aabangan sila. With Julia, always connected naman ako kay Julia. Sa ngayon po wala pa namang next na pagsasamahan pero sa ngayon is mag-focus tayo dito sa Love Unlock episode namin na E-numan. Ito pa lang kasi ‘yung meron kami ngayon,” paliwanag ng aktor.

Santino, ayaw sundan ang mga yapak ni Echo

Kamakailan ay pumirma ng eksklusibong kontrata sa Viva Artists Agency ang anak ni Jericho Rosales na si Santino. Anak ng aktor ang binata sa dating kasintahan na si Kai Palomares.

Ibang landas daw ang gustong tahakin ni Santino at hindi ang katulad ng kay Jericho na isang magaling na aktor.

“I don’t have the passion for it and I was always taught growing up that for everything I do, I have to have a passion for it. I think I cannot give the best of my ability on that path. So that’s why I don’t want to join showbiz. I don’t think that I’ll be inclined to do it simply because I enjoyed the path that I’m in now. I will not just take one step into something that I’m not really passionate about,” paliwanag ni Santino.

Labingsiyam na taong gulang na ngayon ang binata pero katuwang na ng ina sa pamamahala ng sariling restaurant. Fashion modeling ang hilig ni Santino at nangangarap na makilala sa buong mundo.

“Definitely I want to be one of the top models in the Philippines when the time comes. I grew up doing ramp so I learned to love it. What I love about fashion is that it’s living art and everyone around you, you tend to find inspiration from. And when you’re exposed to this, it’s just a beautiful culture to be in. That’s why I feel in love with it and I continue to be passionate po,” giit ng binata.

Kahit hindi sinundan ni Santino ang mga yapak ni Jericho ay hindi naman daw nagkukulang ang aktor sa pagbibigay ng payo sa anak.

“He always just tells me to make smart decisions and he supports me all the way. Basically they always just tell me to be true to myself and the rest will follow, very short and concise but it’s very meaningful and I take this to heart everyday,” pagtatapos ni Santino. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with