_ngayon
^
Ted at Chacha sa radio lang gustong lumipat, Korina online muna
Cha-cha at Ted

Ted at Chacha sa radio lang gustong lumipat, Korina online muna

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2020 - 12:00am

Ahh wala pa palang confirmation ang sinasabing paglundag sa TV5 ni Ted Failon with DJ Chacha na nakilala ang tandem sa Failon NGAYON. Napapanood sila sa DZMM tuwing morning.

Ayon sa isa sa mga ‘top gun’ ng TV5, ‘di pa siya sure kung may negotiations ba talaga. Pero pahabol niya : “I guess so… Pero ang alam ko radio muna gusto nila eh. Not sure,” ang medyo confused pang sagot ng source.

So kung radio, meaning sa Radyo Singko 92.3 sila papasok na kumpleto na ang line up ng mga programa. Saang timeslot kaya sila ilalagay?

By the end of the month, mas maraming radio shows pa raw kasi ng ABS-CBN ang tuluyan nang mawawala sa ere.

At sa kabila nang issue na diumano’y mapapanood si Korina Sanchez sa TV5, nag-announce naman siya na babalik ang Rated K, sa online. “Yes. Rated K lives on. Watch out for what my lean and mean team put up for you this week on the Rated Facebook Page. We had so much fun shooting this episode. Masaya. Maraming matututunan. Sunday. 6:45 p.m. Nawalan kami ng franchise. Pero hindi kami nawalan ng pagmamahal sa inyo. Nandito parin kami. Walang iwanan. #Pang­RatedKYan  Kitakits.”

Ito kaya ang simpleng sagot ni Madam K na hindi siya lilipat ng network?

DJ CHACHA TED FAILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with