Teleserye nina Jodi, Iza, Sam sa online raratsada
Teleserye nina Jodi, Iza, Sam sa online raratsada
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Nagpasalamat ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes matapos purihin ang paglulunsad ng network ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook bilang isang makabagong paraan ng paghahatid ng entertainment sa bansa. Nangako rin si Ms. Cory na patuloy silang maghahandog ng world-class entertainment sa kabila ng mga pinagdaraanan ng network.

“Despite the heartbreak, we promise to continue delivering our content on other platforms and to as many people as possible. From broadcast to livestreaming, this is a new journey and a first for ABS-CBN to make a digital pivot with Kapamilya Online Live, the newest home of our well-loved Kapamilya shows that Filipinos miss. Our bond with our Kapamilya will never be broken.”

Sa ginanap na virtual trade event ng Kapamilya Online Live, nagkaroon din ang advertisers ng pagkakataong makausap ang iba’t ibang Kapamilya stars at makita nang live sa It’s Showtime.

Opisyal ding inanunsyo dito ang mga palabas na mapapanood sa livestream araw-araw at ang mga bagong programa dito, gaya ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, at Maricel Soriano. Ito pala ang unang orihinal na digital show na ipapalabas nang buo sa Kapamilya Online Live simula Agosto 17.

Bukod sa nasabing bagong programa, mapapanood din dito ang FPJ’s Ang Probinsyano, A Soldier’s Heart, Love Thy Woman, Magandang Buhay, It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Iba ‘Yan kasama si Angel Locsin, at  Paano Kita Mapasasalamatan with Judy Ann Santos-Agoncillo.

Dumalo rin sa nasabing virtual trade event sina Judy Ann, Richard Gutierrez, Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Yassi Pressman, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Vice Ganda. Nag­handog din ng performances ang It’s Showtime hosts, pati na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Naging mainit ang pagtanggap sa official launch noong Agosto 1 sa social media ng Kapamilya Online, kung saan marami ang pumuri sa hakbang na i-livestream ang mga programa nito online para patuloy na makapaghatid ng saya, ginhawa, at inspirasyon lalo na nga’t naka-modified enhanced community quaratine pa rin ang Metro Manila at ibang kalapit-probinsiya nito.

Wala itong subscription fee na kailangang bayaran at maaaring balikan mga programang ipinalabas sa buong araw sa loob ng 24 oras matapos itong ipalabas nang live.

Iba na talaga ang labanan ngayon.

Oo nga at marami pa ring nanonood ng TV pero parang digital ang buhay ngayon ng mara-ming nasa bahay lang dahil nga sa pagrami pa rin ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Kahapon ay 3,462 ang new cases kaya 115,980 ang total number of cases sa Pilipinas.

Kris at producer, parang mag-asawa raw na nag-away

Irreconcilable differences pala ang nangyari sa TV host at sa producer ng naudlot na show ayon sa isang source.

As in parang mag-asawa raw na nag-away at hindi nagkasundo ang TV host at ang producer .

Pero ayaw ibuking ng ka-chika ko kahapon kung sinong producer ‘yun pero matindi raw ang naging gap ng producer at TV host kaya malabong matuloy ang eere sana nitong show sa network na magiging full blast na sana this month.

At ang dilemma, hindi raw puwedeng makipag-usap ang TV host sa network executives dahil ang naka-sign sa contract ng kanyang show  ay ang producer niya. Third party lang diumano ang TV host.

Yup, ganito nga raw ang nangyari kina Kris Aquino at sa kanyang producer na ayaw pabanggit ng source kung sino.

May lumutang namang issue na ini-offer kay former Cong. Albee Benitez na papasok na block timer ng TV5 pero ayon sa source, walang formal offer na nanggaling kay Kris.

And besides hindi nga raw ‘yun puwedeng mangyari dahil may contract si Tetay sa naunang producer.

At saka wala pa rin palang contract signing between TV5 and Albee ayon sa source kaya NR as in no reaction pa ang dating pulitiko sa issue kay Kris.

Nauna na dating napabalita na si Willie Revillame umano producer ng Love Life with Kris pero itinanggi ito ng una.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with