Alden proud sa toned na katawan

Alden
STAR/ File

#FitnessGoals talagang maituturing si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa latest Instagram post ng aktor, inulan ang comments section ng mga papuri dahil sa toned at fit na pangangatawan niya. Sey ng netizens, “hard work pays off,” dahil tuluy-tuloy ang mga workout at healthy diet ni Alden.

Sa isa pang Instagram post, paalala naman ng Centerstage host na “mindset is everything” para sa mga tulad niyang gustong maging fit at healthy.

Samantala, wala nang binabanggit si Alden tungkol sa crush niyang si Blackpink Lisa na nag-trending sa kanyang new look the other day.

Sporting ng face piercings si Blackpink Lisa na dati nang inaamin na crushy ng Kapuso actor.

Show comments