Xian at Kim
Xian nagka-anxiety sa mga problema ni Kim
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

Matinding online bashing ang naranasan ni Kim Chiu kamakailan pagkatapos magbahagi ng kanyang mga saloobin kaugnay sa pagpapasara ng ABS-CBN. Kabi-kabilang masasakit na salita ang tinanggap ng aktres mula sa netizens.

Malaki naman ang pasasalamat ni Kim sa kasintahang si Xian Lim dahil hindi siya pinabayaan ng aktor sa mga nangyari. “Parang ‘yon na yata ang pinakamarami kong tawag sa kanya. Para siyang sponge, kapag may problema ako, nalilipat sa kanya. Tapos siya ‘yung nagkaka-anxiety. Buti na lang lagi ko siyang kausap, lagi kaming nagkukuwentuhan. Ina-advise niya rin ako kasi siya din, binash din siya dati ng mga tao,” pahayag ni Kim.

Kahit nasaktan ay sinisikap naman ng aktres na manatiling positibo lamang ang pananaw sa lahat ng nangyaring pamba-bash sa kanya. “At the end of the day, tinitingnan ko na lang ‘yung brighter side. Ang daming nag-a-unfold na opportunities because this ‘bawal lumabas’ bashing turned into something bright and sunny. Nalungkot lang ako because people are really putting you down. Sa dami nang sinabi na one hour and thirty minutes na kuda namin doon sa live video na ‘yon,  isang mali lang, bobo ka na in your entire life. Parang, ‘Uy! Sandali lang!’ Ikaw din naman, nagkakamali ka,” pagbabahagi niya.

Dahil sa mga nangyari ay mayroong ilang mga bagay na natutunan si Kim. “Meron talagang rainbow na nakasilip, meron mang bagyo na dumaan, dadaan lang ‘yon. I’m happy na I’ve learned something from this experience. People can be mean but nasa iyo ‘yon kung magpapaapekto ka,” pagtatapos ng aktres.

Pokwang at Lee pinagdududahan pa rin ang relasyon

Mahigit limang taon nang magkasintahan sina Pokwang at Lee O’Brian. Dalawang taong gulang na rin ang anak nilang si Malia. Ayon sa aktres ay marami pa rin umanong kumukuwestiyon sa kanilang relasyon ni Lee hanggang ngayon. “Actually hanggang ngayon pinagdadaanan pa rin namin. ‘Naku! Gagamitin ka lang niyan!’ Hindi sila maka-move-on sa gano’n. May anak na kami. Hindi pa ba sapat na katibayan ito na nagmamahalan kami? Iniwan niya kung ano ang meron siya doon (sa Amerika) at hindi niya alam kung anong haharapin niya rito,” paglalahad ni Pokwang.

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa nang magkasama sa pelikulang Edsa Woolworth noong 2015. Mula noon ay agad daw na nabighani ang komedyana sa aktor. “Sabi ko bongga naman mag-kiss. Napaka-gentleman naman niya. Ginawa niya ‘yon nang maayos na hindi ka mao-offend,” kwento ng aktres.

“It was way after the shooting. It was after we premiered the movie here. That’s when I realized that maybe there’s a possibility,” dagdag naman ni Lee.  Reports from JCC

 

KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with