Lea at Arnel pasok din sa international fundraising!
Ang bongga naman nina Lea Salonga at Arnel Pineda. Kasama talaga sila ng mga international stars na nagpa-fundraising para sa pandemic na nangyayari sa buong mundo.
Iba rin talaga ang nina Lea at Arnel, pang-world class talaga kaya kahit itabi mo sa international singers, nag-i-stand out pa rin sila.
Nakakatuwa nga dahil ang sarap lang makitang shoulder to shoulder sila na kumakanta kasama ang mga sikat na singer.
Congrats Lea and Arnel. Pinahanga n’yo talaga ang mundo.
‘Huwag husgahan’
Nanood ka ba ng congress hearing ng ABS-CBN franchise, Salve? Medyo nawindang ako sa mga revelation ni Cong. Rodante Marcoleta. Sa Monday pa uli ang hearing at si SolGen Jose Calida ang magbibigay ng opening speech kaya manonood din ako.
Well, sa industry natin siyempre, our hearts go for ABS-CBN. Parang isang pamilya na ayaw mo masaktan ang isa. Pero siyempre, kahit ang network gusto rin i-clear ang pangalan nila sa mga sinabing allegations ni Cong. Marcoleta. Innocent until proven guilty, kaya huwag muna natin husgahan ang kaso habang hindi pa sinasagot at napapatunayang mali ang alegasyon.
Hihintayin ko rin ang sasabihin ni Solgen Calida, at titingnan ko rin ang depensa ng mga congressman para sa ABS-CBN.
Sabi nga ni Speaker Alan Cayetano, hindi dapat tayo nagpapadala sa emotional pressures but sa facts na ipapakita sa atin.
Pray tayo for the best results sa nangyayaring eye opener na ito. Watch tayo ng hearing sa Monday.
Ka Tunying’s nagbawas ng mga empleyado
Kawawa naman ‘yung mga kailangang i-lay off sa trabaho dahil medyo apektado nga ang mga negosyo.
Kitang-kita ang pain sa mukha ni Ka Tunying nang sabihin niyang magbabawas na sila ng tao sa mga resto ng Ka Tunying’s dahil nga apektado ang sales sa nangyayari ngayon na mas gusto ang take out kesa dine in dahil sa health concerns.
Siyempre masakit ang pakiramdam na sabihin mo sa mga empleyado mong wala na silang trabaho, lalo’t alam mo na iyon lang ang inaasahan nila. Kung puwede nga lang sigurong akuin mo lahat huwag lang sila mapaalis sa trabaho ay gagawin mo, pero hindi mo naman kakayanin kung totally losing na ang business mo.
Hay naku, middle of the year pa lang, sana talaga matapos na natin ang taon nang mas maganda naman.
- Latest