^

PSN Showbiz

Darren umamin, nakailang showbiz gf na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren umamin, nakailang showbiz gf na
Darren

Nagkaroon na ng kasintahan si Darren Espanto. Ayon sa singer ay kasamahan din sa industriya ang mga naging karelasyon niya noon. “Throughout my stay here in the Phi­l­i­p­­pines, opo lahat sila in showbiz,” pagtatapat ni Darren. 

Para sa binata ay normal lamang na magkaroon na ng karelasyon ang tulad niyang isang teenager. Suportado rin ng mga magulang ni Darren ang buhay pag-ibig nito. “It’s part of growing up din. My parents are supportive naman as long as alam nilang matino ‘yung kino-court kong babae,” dagdag pa niya.

Ang aktres na si Kyline Alcantara ang sinasabing isa sa mga naging kasintahan ni Darren. Bakit kaya hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa? “Masasabi ko lang ‘yung mga fans talagang very alam nila eh. I feel like kasi when you are a kid you don’t really know what you really want yet in life. I feel like it is better for me and for everyone  I dated in the past. Kasi mas mature na po kami ngayon and alam na po namin ang gusto namin,” makahulugang pahayag ng singer.

Lovi, na-stress sa mga love scene

Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Hindi Tayo Pwede na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Ayon sa aktres ay hindi siya nahirapang katrabaho si Marco kahit ngayon lamang sila nagkasama sa isang proyekto. “He just made it easier for me kasi maalaga siya at hindi mahirap katrabaho. Very gentleman din siya sa love scene namin and that was good. He was very maalalay,” nakangiting bungad ni Lovi. 

Si Joel Lamangan ang direktor ng naturang pelikula at mayroong mga bagay na ikinagulat si Lovi habang ginagawa ang maiinit nilang eksena ni Marco. “Si direk kasi may mga surprise siya sa set at nakaka-stress kung minsan. First may mga choreography and everything ang love scene. Then there comes this move na nagulat ako pero si Marco, inalalayan talaga niya ako,” kwento ng aktres.

Kontrobersyal na pinag-uusapan ng mga manonood ang love scenes na ginawa nina Lovi at Marco. Kakaiba rin umano ang ginawang love scenes ng aktres at Tony pero wala naman daw naging problema kay Lovi sa mga ipinagawa sa kanya ng batikang direktor. “Kasi si direk talaga kailangan realistic ‘yung eksena and when it comes to acting, if you’re holding back di ba, parang if you’re willing to give your heart and soul sa isang eksena, sa isang pelikula, why not? Kasi kung nagho-hold back ka, magho-hold back din ‘yung partner mo. So parang we don’t want that kind of feeling and we want it to be realistic as much as possible,” paglalahad ng dalaga. Reports from JCC

 

DARREN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with