^

PSN Showbiz

'Mag-sekyu ka na lang kay Duterte': Dela Rosa pinagbibitiw ng radio DJ

James Relativo - Philstar.com
'Mag-sekyu ka na lang kay Duterte': Dela Rosa pinagbibitiw ng radio DJ
"I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato... at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan," wika niya sa isang tweet, Martes.
Mula sa Instagram account ni DJ Chacha; Philstar.com/Dino Maragay, File

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng isang Kapamilya radio host na tuluyan nang lisanin ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang trabaho bilang senador, sa gitna ng bantang hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ito ni DJ Chacha ng MOR 101.9 matapos banggitin ni Dela Rosa na mas importante ang Pilipinas, na inaapi raw ng ABS-CBN, kaysa 11,000 mawawalan ng trabaho oras na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.

"I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato... at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan," wika niya sa isang tweet, Martes.

"When you're a public servant and your loyalty is towards a person and not towards the country, ang tawag dyan, TUTA."

Kapansin-pansin din ang sunud-sunod na retweet ng radio host patungkol sa franchise, kasama ang video ni Dela Rosa habang sinasabi ang sumusunod: "What is 11,000 compared to the whole Filipino nation na matagal nang sinamantalahan ng kumpanya? Kung talagang ma-prove 'yan sa hearing... what is 11,000?"

Kasalukuyang nanganganib ang prangkisa ng ABS-CBN, na may hawak din sa MOR, habang papalapit ang pagkapaso ng kanilang legislative franchise pagsapit ng ika-30 ng Marso, 2020.

Gag order, quo warranto petition

Pinakawalan ni DJ Chacha, Czarina Marie Balba sa totoong buhay, ang mga katagang 'yan kahit na hinihiling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na itigil ng mga ABS-CBN stars ang paglalabas ng mga statement patungkol sa franchise.

Matatandaang naghain din ng quo warranto petition si Calida laban sa ABS-CBN dahil sa diumano'y isyu ng dayuhang pagmamay-ari nito at "kwestyonableng" pagpapatakbo ng KBO Channel kahit na wala raw kinukuhang permit mula sa National Telecommunications Commission.

Ang mga puntong 'yan, na ginagamit ng OSG para mabawi ang prangkisa ng Kapamilya Network, ay sinagot na ng ABS-CBN.

Hindi rin napigilan ng radio personality na birahin ang isyu ng US visa ni Dela Rosa na binawi ng Amerika, na ginamit na rason ng Palasyo sa pagputol ng Visiting Forces Agreement.

"My next vlog is for Senator Bato. I’ll give tips kung paano ako nakakuha ng 10-years Multiple Entry US Visa. Para di’ na siya mag-tantrums," sabi pa niya.

Pinaniniwalaan ng marami na binawi ang visa ng senador dahil sa ipinatutupad na parusa ng Estados Unidos sa mga may kinalaman sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima at mga lumalabag sa karapatang pantao.

Bago maging senador, nanilbihan bilang hepe ng Philippine National Police si Dela Rosa, na nanguna sa madugong "war on drugs" ni Duterte.

'Eh ano kung loyal kay Duterte?'

Hindi naman napigilan ni Bato na sagutin ang mga patutsada ng disc jockey.

"Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected president who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long?" birada ng senador.

Ipinakita rin ng dating PNP chief na kaya niyang gumanti sa mga maaanghang na biro ni Balba: "Baka ang alam lang niya ay mag-chacha."

vuukle comment

ABS-CBN

DJ CHACHA

LEGISLATIVE FRANCHISE

RESIGNATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with