^

PSN Showbiz

60 Pelikula ni Rudy Fernandez mapapanood na uli

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
60 Pelikula ni Rudy Fernandez mapapanood na uli
Rudy

Wow, mapapanood na uli ang mga pelikula ni Rudy Fernandez sa Cinemo ng ABS-CBN TVplus, tuwing Sabado sa Markang Daboy.

Animnapung pelikula ni Rudy na pinalabas mula 1980s hanggang 1990s ang eere tuwing Sabado, 1PM hanggang 3PM

Namulat ng maaga si Rudy sa buhay showbiz at napasali na sa mga pelikula ng kanyang ama na Luksang Tagumpay at Emily sa edad na tatlo pero mas nakilala siya sa kanyang pagiging action star sa  Bitayin si Baby Ama at nasundan naman ito ng box-office hit na Ang Leon, Tigre, at Alamid noong 1979.

Umugong muli ang kanyang pangalan nang gumanap siya ng true-to-life characters sa mga pelikulang,  Markang Bungo: The Bobby Ortega Story, Bingbong (The Vincent Crisologo Story), at Ping Lacson: Supercop.

Sa kanyang career, humakot din siya ng dalawang FAMAS Best Actor awards, dalawang Film Academy of the Philippines Lifetime Achievement Awards, at isang FPJ Memorial Award.

Mabuti naman at naisalba ang mga pelikula ng mister ni Lorna Tolentino at ama nina Rap and Renz Fernandez.

RUDY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with