Migo hindi trip mag-dyowa ng artista

Katrina and Migo

Naaliw kami sa sagot ni Migo Adecer nang tanungin kung pinag-awayan na siya ng dalawang babae at kung worth it bang pag-awayan ng dalawang babae ang isang lalaki?

“For me, kahit guwapo ang lalaki, hindi dapat pinag-aawayan. Get ano­ther guy o play with him. Paglaruan mo na lang at then look, for another guy,” sabi ni Migo.

O, di ba? ang ganda ng sagot ni Migo sa tanong na kanyang pagdadaanang role sa bagong teleserye ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday bilang si Cocoy na isang city boy ay pag-aawayan nina Barbie Forteza at Kate Valdez na gumaganap sa role nina Ginalyn at Caitlyn respectively.

Sa Monday, January 27 na ang pilot ng show at masuwerte si Migo dahil sunud-sunod ang teleserye niya.

After Sahaya, may kasunod na agad siyang show, samantalang sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, wala pang follow up after Sahaya.

Anyway, masaya ang lovelife ni Migo sa piling ng girlfriend na si Katrina Mercado and in fact, kasi-celebrate lang nila ng first anniversary nila. Napansin namin kay Migo, hindi niya type magdyowa ng nasa showbiz dahil ang ex-GF niya ay non-showbiz din which is maganda dahil hindi nauurirat ang lovelife niya.

Alex sa Singapore naghahanap ng pangkasal na damit

Malapit na rin siguro ang kasal nina Alex Gonzaga at ang fiancé niyang si Mikee Morada dahil sa balita ng sister ni Alex na si Toni Gonzaga, nasa Singapore sila para pumili ng wedding gown ni Alex.

Ang latest post nito, “Celebrating coz we finalized the wedding gown that she will wear. Yehey! We have a dress na!,” saka pinost ang ibang naka-hanger na wedding dress sa pinuntahan nilang bridal boutique.

Kung matagal pa ikasal sina Alex at Mikee, hindi pa bibili ng bridal dress si Alex, kaso bumili na, kaya hintayin natin ang announcement ng kanilang wedding day.

Show comments