^
Showing ng movie ni AiAi, napaaga!
AiAi

Showing ng movie ni AiAi, napaaga!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2020 - 12:00am

SEEN: Tala ang pangalan ng female heroine na idaragdag sa karakter ng solo movie ni Matteo Guidicelli sa Epik Studios na Penduko. Ang hit song ni Sarah Geronimo na Tala ang inspiras­yon ng Pinay superhe­roine na ipakikilala sa pelikula.

SCENE: Umaasa ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ang singer-actress ang gaganap na Tala sa Penduko movie para muli silang magkasama sa pelikula. Ang 2011 movie na Catch Me, I’m In Love ang una at huling pelikula na pinagsamahan nila.

SEEN: Ang thanksgiving gathering ng cast, production staff at mga producer ng Miracle in Cell No.7 noong Huwebes nang gabi sa isang restaurant at brewery sa Pasig City. Masayang-masaya ang lahat dahil sa box office success ng kanilang pelikula na surprise hit sa 45th Metro Manila Film Festival.

SCENE: Sa January 22, 2020 at hindi na sa January 29 ang playdate ng D’Ninang, ang come­dy movie ni AiAi Delas Alas sa Regal Entertainment Inc.

SEEN: Pinag-aawayan ng dalawang young actress ang young actor na co-star nila sa isang teleserye. Hindi nagpapansinan ang mga young actress sa set ng kanilang television show dahil sa aktor.

SCENE: Ang congratulatory message ni Vice Ganda para kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films. “Boss Vic, tiba-tiba ka!” ang sabi ni Vice na may basehan dahil si Boss Vic ang producer ng Miracle in Cell No.7 at co-producer ng The Mall, The Merrier.

 

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with