^

PSN Showbiz

Gloria Romero balik-daig!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Gloria Romero balik-daig!
Gloria Romero

SEEN: Ikinatuwa ng fans ng Daig Kayo ng Lola Ko ang pagbabalik ni Gloria Romero sa Sunday drama fantasy anthology program ng GMA 7. Apat na buwan na hindi napanood ang 86-year old icon sa Daig Kayo ng Lola Ko dahil sa kanyang vertigo.

SCENE: Marami ang naninibago sa ilong ni Jane de Leon, ang bagong celebrity endorser ng Belo Medical Clinic. Makikita sa Edsa ang mga giant billboard ng aktres na gaganap na Darna.

SEEN: Sa January 29, 2020 ang playdate ng Block Z, ang zombie movie na pinagbibidahan ng ex-lovers na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Binigyan ng importansya ang billing ng pangalan ni Joshua sa mga poster ng Block Z.

SCENE: Ang balita na sinampahan ng kaso ang isang actor/politician dahil sa diumano’y bilyun-bilyong piso na nagastos niya sa kanyang panunungkulan.

SEEN: Nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang isang male television host dahil sa mga report niya tungkol sa mga tiwali na public official.

SCENE: Ang balita na may plano na pagsamahin sa isang pelikula sina Alden Richards at Bea Alonzo. Hindi imposible na masundan ang movie project ni Alden sa Star Cinema dahil ang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nila ni Kathryn Bernardo ang pinakamalakas na Tagalog movie ngayong 2019.

GLORIA ROMERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with