Aga sobrang sipag
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2019 - 12:00am

SCENE: Kakaiba ang sipag na ipinakikita ni Aga Muhlach sa promo ng Miracle in Cell No.7 dahil pinupuntahan niya ang lahat ng mga mall show ng kanyang pelikula na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

Anne

SEEN: Tama ang mga hula na baby girl ang ipinagbubuntis ni Anne Curtis dahil blooming na blooming ang itsura niya. Ang babae ang magiging anak ni Anne ang hula ng mga co-host niya sa It’s Showtime.

SCENE: Sold out na ang tickets para sa Unified, ang two-night concert (Feb­ruary 14 at February 15, 2020) nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum. Naging aware ang publiko na may concert sina Regine at Sarah dahil sa tweet ni Cacai Mitra na binigyan ng ibang kahulugan

SEEN: Pinupuri ng mga film critic at moviegoers ang Kalel, 15, ang bagong pelikula ng multi-awarded director na si Jun Lana. Tungkol sa isang teen-age boy na HIV positive ang kuwento ng Kalel, 15 na nagbigay kay Jun ng best director award sa Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia. Ang young newcomer actor na si Elijah Canlas ang gumanap na Kalel at si Jaclyn Jose ang nanay niya sa pelikula.

SCENE: Tumatanggap na ng mga aplikante ang Miss Universe Phi­lippines Organization para sa mga kababaihan na interesado na lumahok sa 1ST Miss Universe Philippines. Marami ang umaasa na sasali sa Miss Universe Philippines 2020 sina Miss International 2018 1st runner up Ahtisa Manalo at reigning Bb. Pilipinas-International Bea Patricia Magtanong.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with