^

PSN Showbiz

Humahanap lang ng timing kay Pauleen Vic gusto nang sundan si Tali

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Humahanap lang ng timing kay Pauleen Vic gusto nang sundan si Tali
Tali and Vic

Napababalitang mayroon nang espesyal na ugnayan si Gretchen Ho at ang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Nagsimulang pumutok ang tungkol dito nang magkasabay na nanoood ng isang volleyball game sa nakaraang Southeast Asian Games ang dalawa. Nagbigay naman ng reaksyon ang ama ng Alkalde na si Vic Sotto tungkol sa pagkakaugnay ng anak sa TV host.

“I don’t think so. Malalaman ko personally kapag merong confirmation. But knowing him, I don’t think he has time. Wala siyang panahon,” bungad ni Vic.

Matatandaang nabanggit ni Vico sa mga pahayag noon na wala siyang panahon sa pag-ibig kaya nananatiling walang kasintahan. Ayon kay Vic ay abala sa pagiging Mayor ng Pasig ang binata at ang pagtulong sa mga mamamayan ang pinagtutuunan ng panahon.

“Wala siyang panahon eh kung, sa akin nga wala siyang panahon. Dati every week nagdi-dinner kami, ngayon medyo every other week na lang. Bising-busy talaga, marami siyang inaayos sa Pasig,” pagbabahagi ng komedyante.

Samantala, dalawang taong gulang na ngayon ang anak nina Vic at Pauleen Luna na si Tali. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw sundan ng mag-asawa ang kanilang supling. “Oh yes, definitely. Naghahanap na ng kalaro si Tali eh. Hinihintay ko pang lumamig pa ‘yung panahon. Wala pa eh, bitin pa. Medyo busy pa ako,” natatawang pahayag ng aktor.

Yam hindi sineryoso ang lovescene nila ni Joseph

Magkatambal ngayon sina Yam Concepcion at Joseph Marco sa digital series ng iWant na Uncoupling. Mapapanood ang naturang serye simula December 30. Mag-asawa ang karakter ng dalawa kaya naman marami ring intimate scenes na ginawa sina Yam at Joseph para dito. “Si Joseph naman, very gentleman naman siya. Hindi naman siya ‘yung nambabastos. It was well executed naman and of course, babae ‘yung direktor namin. So parang we were taken cared off,” nakangiting pahayag ni Yam.

Aminado ang sexy actress na ngayon lamang siya nahirapan sa paggawa ng love scene. Posibleng nailang si Yam kay Joseph dahil ngayon lamang din sila nagkatambal sa isang proyekto. “Actually ‘yung love scene na ‘yon hirap na hirap ako. Di ba ang dami ko naman nagawang love scene pero with this one, hindi ko alam medyo naiilang ako na parang natatawa for some reason. Hindi naman sa hindi ko sineseryoso pero parang ang weird,” kwento ng dalaga.

Para naman kay Joseph ay ipinakita lamang niya sa mga maseselang eksena ang tunay niyang nararamdaman habang ginagawa ito. “May mga time na nawawala ako sa scene. Then nare-realize ko na, ‘Am I showing too much?’ Kasi siyempre ‘yon ka eh, you wanna look natural at it is. So parang mixed feelings na parang hindi mo alam kung ano ang mapi-feel mo and maya-maya maiilang ka na parang ang dami palang tao. Tapos bigla ka na lang mako-conscious,” paliwanag ni Joseph. (Reports from JCC)

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with