Michelle
Michelle Dee hanggang top 12 lang!
SCENE SEEN - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

Seen: Si Toni-Ann Singh ng Jamaica ang nanalo na Miss World 2019 sa coronation night na ginanap noong Sabado sa ExCel, London. Ang Miss World 2019.

Scene: Bigo si Miss World Philippines Michelle Dee na makuha ang korona pero kabilang siya sa Top 12 candidates ng 69th edition ng Miss World.

SEEN: Hindi man nanalo si Michelle Dee, masaya pa rin ang mga Pilipino dahil sa husay na ipinamalas ni Megan Young bilang co-host ng 69th Miss World.

Scene: Ang pahayag ni Jolo Revilla na ilang oras na lang, magsisimula ang paglalakbay nila sa walang hanggan ni Angelica Alita, ang babae na pinili niya na makasama sa habampanahon.

Seen: Ngayong gabi ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema 1 ng Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival. Ngayon pa lang mapapanood ni Aga ang kabuuan ng kanyang pelikula

Scene: Ramdam na ramdam ng fans ng isang loveteam na unti-unti nang nawawalan ng ningning ang mga artista na kanilang iniidolo dahil sa mga maling desisyon ng dalawa sa personal na buhay at career. Imposible na hindi nararamdaman ng aktor at aktres ang dahan-dahan na pagbulusok ng popularidad nila.

MICHELLE DEE MISS WORLS 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with