Sarah, nagdalawang isip na makasama si Regine sa concert
Sarah
Sarah, nagdalawang isip na makasama si Regine sa concert
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

Aminado si Sarah Geronimo na talagang nagdalawang isip siyang tanggapin ang Unified concert na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez.

Valentine’s show ito ng magkaibigan na gaganapin sa Ara­neta Coliseum sa February 14 at 15 sa susunod na taon. “At first po sobrang hesitant kasi siyempre si Ms. Reg ‘to. My gosh, grabe ‘yung pressure,” nakangiting bungad ni Sarah.

Matatandaang ang Popstar Royalty ang ­naging grand champion ng Star for A Night noong 2003. Ang Asia’s Songbird naman ang host ng naturang talent search kaya mula noon ay naging magkaibigan na sina Sarah at Regine. Para sa dalaga ay talagang naging malaking impluwensiya sa kanya bilang mang-aawit si Regine. “Napakalaking bahagi po ng journey ko sa industriya ika nga si Ms. Reg. Siya po ‘yung nagluwal sa akin sa industriyang ‘to. Napakasarap sa pakiramdam na makasama ko siya sa concert,” paglalahad ng singer.

Masayang-masaya naman si Regine sa nara­ting ni Sarah sa industriya. Ayon sa beteranang singer ay hindi pa rin nagbabago ang dalaga mula noong una silang nagkakilala. “She has never changed. Kahit ang layo-layo na ng nara­ting niya. Superstar na siya, she’s the same. The way she treated me, she’s the same. Nahihiya pa rin siya hanggang ngayon,” paglalarawan ng Asia’s Songbird kay Sarah

Joshua, nagpapa-muscle na

Mapapanood na sa susunod na taon ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ngayon pa lamang ay excited na ang aktor na mapanood ng kanilang mga tagahanga ni Julia ang kakaibang proyekto na kanilang ginawa. “Sobrang excited ako kasi Baby ni Tita Malou ‘yung Block Z eh. Tapos sobrang pinaghirapan din ni direk Mik (Mikhail Red) ‘yon. Kaya sobrang excited ako na lumabas ‘yon, next year ‘yon,” pagbabahagi ni Joshua.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa mga tagahanga nila ni Julia na patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan sa kabila ng mga kontro­bersiyang pinagdaanan ng dalawa. Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Julia at Joshua nang maugnay ang aktres kay Gerald Anderson ilang buwan na ang nakalilipas. “Grateful kami siyempre dahil pagkatapos ng lahat nang lumabas na issues eh nandiyan pa rin sila na nakakapit sa amin,” giit ng binata.

Samantala, kapansin-pansin ngayon ang pagpayat pa lalo ni Joshua. Ayon sa aktor ay kinakailangang magbawas ng timbang para na rin sa kanyang kalusugan. “Nagpapayat kasi siyempre kumbaga nagkakaedad na rin. Siyempre kailangan na rin na mag-exercise. Hindi na pwede ‘yung puro laro-laro lang. So ayun, nag-exercise lang ako. Para sa sarili lang muna sa ngayon. Hindi pa natin pwedeng i-share, ito na ‘yun. Tapos buhat na lang, muscles na lang,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with