Luis & Jessy
Luis naghahanap pa ng tamang time bago pakasalan si Jessy
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Napag-uuspan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Aminado si Luis na naiinggit siya sa mga kaibigang may asawa na katulad ni Billy Crawford dahil sa estado ng samahan nila ng asawang si Coleen Garcia. “Kahit paano nakakainggit kasi nakikita mo ‘yung formality ng kanilang pagmamahalan, pero siyempre at the same time ayokong madaliin, ayokong pilitin,” pagtatapat ni Luis.

Marami ring kilala ang aktor na hindi nagtagal ang pagsasama bilang mag-asawa kaya hindi rin nagmamadali na pakasalan si Jessy. “Marami tayong kilala na kinasal tapos hindi nagtagal ang pagsasama bilang mag-asawa kaya hindi nag-workout. Tapos ‘pag tinanong mo kung bakit, ang sagot nila, ‘Hindi pa pala ‘yon ang tamang time.’ Pinilit lang, na-pressure sila, sa pamilya, sa society,” paliwanag ng TV host.

Kamakailan ay nagkasama ang kanya-kanyang pamilya ni Luis at Jessy sa Taiwan kung saan ipi­nagdiwang ang kaarawan ng ina ng aktor na si Vilma Santos-Recto.

Maricel, may advice kina Angel and Neil

Ilang buwan na ang nakalilipas nang napabalita ang tungkol sa engagement ng magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Nakasama ni Angel si Maricel sa teleseryeng The General’s Daughter kaya wala umanong problema sa Diamond Star kung sakali mang kunin siya bilang ninang sa kasal ng magkasintahan. “Oo naman, mahal ko si Angel ‘no. Kahit ano ako, kahit sponsor, guest, whatever. I will be there for Angel. I want Angel and Neil to be happy. They’re good friends of mine and I see them naman very sweet. I just want them to be happy especially Angel. She deserves to be happy,” nakangiting pahayag ni Maricel.

Nagbigay na rin ng payo ang Diamond Star kay Angel tungkol sa buhay pag-ibig. “Sinabi ko na sa kanya, ‘Sweetheart, there’s nothing like being happy all the time. It’s so hard to maintain happiness, ‘yung nandiyan lang siya. Ganyan lang ‘yan,” paglalahad ng betera­nang aktres.

Samantala, isang bagong teleserye ang nakatakdang gawin ni Maricel ngayon kaya naman bilang paghahanda para dito ay nagpapapayat na ang aktres. “I lost a little weight, kulang pa. No carbs and nag-e-exercise na ako, nagji-gym na ako ngayon. Nag-e-effort ako kasi may edad na ako. Kailangan ko mag-effort. At may age nagji-gym ako. Ibang klase ‘yung diet ko, may konting rice pero I take ‘yung shake nila, parang isang meal na ‘yung isang glass. Naka-adjust naman ako,” pagbabahagi niya.

Si Eric Quizon daw ang humikayat sa batikang aktres upang mag-diet. “Meron kasing limit na binibigay sa akin ang kapatid kong si Eric Quizon. ‘Kailangan 10 pounds, kulang pa ‘yan.’ sabi niya. Istrikto ‘yung kapatid ko eh. Wala tayong magagawa, may gano’n si Eric sa akin. Takot ako do’n eh. Meron naman naka-lineup na (teleserye) pero bawal sabihin. Basta maganda, bawal pa daw sabihin. Hindi talaga pwede sabihin,” dagdag pa ni Maricel. Reports from JCC

LUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with