_ngayon
^

PSN Showbiz

Aga naghihintay ng offer sa TV

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aga naghihintay ng offer sa TV
Aga

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw magbalik sa telebisyon ni Aga Muhlach. Mapili ang aktor sa mga proyektong ginagawa kaya bihira na ring makagawa ng pelikula ngayon. “Honestly, I really want to try. Let’s see, sana. Parang mahirap daw, but may sinasabi raw sila na you canned it already but when you taped it, keep it, and finish the whole season na parang naka-canned siya na gano’n. But I mean sa buong buhay ko, masusubukan ko naman ‘yon, soon. Naghihintay lang ako na may mag-offer,” nakangiting pahayag ni Aga.

Maging sa role ay mapili rin si Aga kaya kailangang pag-isipang mabuti kung sakaling makatanggap ng alok ang aktor. “Hindi naman ako magi­ging plastic, oo naman medyo mapili talaga. pinipili ko ang gagawin ko siyempre at this point in time. Kahit naman noon pa, even when they’re offering me soap in TV, pinipili ko talaga. I would love to try one really,” giit niya.

Inamin ni Aga na gusto niyang makapag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin kung mabibigyan ng pagkakataon. “Binibiro ko nga sila, ‘yung Ang Probinsyano, parang gusto ko mag-guest ro’n eh para masama naman ako doon. Hindi kasi lahat pinag-uusapan, lahat Ang Probinsyano,” pagtatapos ng aktor.

Hindi inasahan na magbibida Lassy, thankful kina Vice at Direk Wenn

Hindi kailan man naisip ni Lassy Marquez na makapagbibida siya sa isang pelikula. Sa November 13 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang Two Love You na pinagbibidahan nina Yen Santos, Kid Yambao at mga komedyanteng sina MC at Lassy. “Wala akong ini-expect as in. Sobrang happy lang ako sa mga nangyayari, sa mga tulong ng ibang tao, sa mga kaibigan ko,” bungad ni Lassy.

Malaki ang pasasalamat ng komed­yante kay Vice Ganda at sa namayapang direktor na si Wenn Deramas dahil ang dalawa ang nagbigay-daan kaya mas nakilala si Lassy. “Ang tanda ko 2011 no’ng nagsimula talaga ako sa pelikula. Siyempre nando’n pa rin ‘yung takot ko na after 2011 baka wala nang kasunod pero nasundan nang nasundan. Hanggang pati ibang artist nakatrabaho ko na bukod kay Vice. Silang dalawa ‘yung instrumental. Siguro kung hindi dahil sa kanila, until now nagta-try pa rin ako. Pero nando’n pa rin ‘yung talagang susubukan ko pa rin at gagalingan ko pa rin,” pagbabahagi ng komedyante.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ay masaya umano si Lassy ngayon sa pagiging single.

Tumagal lamang ng dalawang taong ang relasyon ng komedyante sa hulingnaging nobyo. “Ang daming dumadating pero naaano ako eh, sobrang nasaktan. So siyempre parang ‘yung naging focus ko ngayon trabaho. Saka ‘yung mga gusto ko pang gawin sa buhay,” pagtatapat niya.

(Reports from JCC)

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with