^

PSN Showbiz

Jairus walang paki sa rambol nina Alexa at Nash

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Jairus walang paki sa rambol nina Alexa at Nash
Jairus

Hinangaan ang young actor na si Jairus Aquino sa pananatiling tahimik lamang sa gitna ng kontrobersiya sa pagitan nina Alexa Ilacad at mga dating kasamahan sa now-defunct kiddie gag show na Goin’ Bulilit na sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro sa ginawa umanong pambu-bully sa kanila ni Jairus.

Although hindi pa rin nagbibigay ng pahayag sina Nash at Sharlene tungkol sa isyu, ayaw namang makisawsaw ni Jairus  para hindi na lumaki pa ang gulo.

Mas gusto ni Jairus na mag-focus na lamang sa kanyang trabaho kesa makisali sa gulo.

Pagpapakita ng puwet ni Nadine may basbas ni James!

Marami ang nagulat sa bagong sexy pictorial ni Nadine Lustre na tila may gusto umano itong patunayan.

Tiyak na may basbas sa kanyang ginawa ang nobyong si James Reid dahil hindi niya marahil gagawin ang isang bagay na pag-aawayan nilang magkasintahan.

Sobrang daring si Nadine sa kanyang bagong sexy pictorial na kung tutuusin ay napaka-artistic naman ng shots.

May kinalaman kaya ang sexy pictorial ni Nadine sa kanyang pagsalang as one of the judges ng pinakabagong talent reality show, ang Your Moment kung saan niya kasama ang King of Talk na si Boy Abunda at ang singer-actor-TV host na si Billy Crawford?

Bago ang kanyang pagiging hurado ng Your Moment, umatras si Nadine sa Metro Manila Film Festival movie nila ni Aga Muhlach, ang Miracle On Cell #7 kaya siya’y pinalitan ni Bela Padilla.

Julia at Coco buhay na buhay na naman!

Kaarawan kahapon, November 1 ng Ang Probinsyano lead actor and co-director Coco Martin at ang isa sa mga bumati sa kanya (Coco) ay ang matagal nang nauugnay sa kanya na si Julia Montes na unti-unti na ring nagpaparamdam ng kanyang presence ngayon.

Kamakailan lamang ay namataan si Julia sa isang supermarket in Greenhills, San Juan at nagpaunlak ito ng photo ops sa mga fans na lumapit sa kanya.

Kilala si Coco sa pagiging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay kaya mukhang matatagalan pa bago nito aminin na isa na siyang ganap na ama.

Kusa na lamang nag-die down ang balita at issue na nagsilang umano ng baby nila ni Coco si Julia kaya matagal itong hindi nagpakita sa publiko.  Nagtungo rin daw ito ng Germany kung saan naka-base ang kanyang biological father na si Martin Schnittka at pamilya nito ngayon.

Marami na rin ang sabik na muling mapanood si Julia sa telebisyon pero wala pang kongkretong balita kung kailan ito babalik.

JAIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with