^

PSN Showbiz

Birthday ni Kuya Germs inalala!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Birthday ni Kuya Germs inalala!
Kuya Germs

SEEN: Official entry sa 32nd Tokyo International Film Festival ang Mañanita, ang pelikula ng direktor na si Paul Soriano na pinagbibidahan ni Bela Padilla. Ang award-winning director na si Lav Diaz ang sumulat ng Mañanita. Dalawa at kalahating oras ang running time ng Mañanita at si Bela lang ang mapapanood sa kabuuan ng pelikula. Isang female sniper ang role ni Bela.

SCENE: Inspired ng mga tunay na pangyayari ang kuwento ng Mañanita. Headline noon ng mga Mañanita cops sa Davao na nagpasuko sa mga drug user at pusher sa pamamagitan ng harana.

SEEN: Nakahanda na ang mga damit na gagamitin ni Bela Padilla sa TIFF pero ayaw muna niyang sabihin ang pangalan ng fashion designer na gumawa ng gown.

SCENE: Ginunita kahapon ng mga nagmamahal kay German Moreno ang 86th birthday ng sumakabilang-buhay na television host. Sorely missed si Kuya Germs ng kanyang pamilya, mga kaibigan at ng mga artista na natulungan niya.

SEEN: Hindi na nasorpresa ang karamihan sa official announcement sa 24 Oras noong Huwebes na si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun. 

KUYA GERMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with