^

PSN Showbiz

Jean nakalaban ang sarili!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jean nakalaban ang sarili!
Jean Garcia

May kakaibang twist sa ending ang psychological action-drama thriller na Watch Me Kill starring Jean Garcia. Unexpected at hindi mo aakalaing may ganun pala. Ang Watch Me Kill ay isa sa 10 official finalists sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na nasa ika-3rd year na at mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan nationwide tomorrow, Sept. 13 na tatagal hanggang September 19.

Hindi mo rin aakalain na kaya pala ni Jean ang role ni Luciana, na isang killer-for-hire at walang sinasantong kalaban.

Actually, aminado rin ang golden girl actress (she turned 50 last August 22) na sa almost 30 plus years na niya sa showbiz, ito na talaga ang most challenging na nagawa niya bilang lead character - cold-blooded and ruthless killer-for-hire.

Iba nga kasi Jean, astig, badass na walang masyadong sinasabi pero pagdating sa pakikipaglaban, walang makatapat. Pero ang kanyang kalaban, ang kanyang sarili sa pagtangging tanggapin ang kanyang tunay na pagkakakilanlan.

“Pero hindi naman siya pumapatay na walang dahilan, may twist sa bandang dulo ng kuwento na dapat n’yong abangan,” sabi ng actress na aminadong pinaghandaan ang role ni Luciana lalo na ang paghawak ng fire arms na sakto sa kanyang character.

“This is really something very new for me, first time kong ginawa ito sa buong buhay ko. And I’m so proud of this film. Our director, Tyrone Acierto (based in Chicago, USA), knows very well his craft, and I hope to do another movie project with him,” pahayag pa ng actress.

At kaya pala ang husay ng cinematography ay dahil gumamit ang director nito ng classic 16mm negative camera.

Starring din sa Watch Me Kill sina Junyka Santarin, Althea Vega, and Rodolfo Muyuela with Bodjie Pascua, Francis Mata, Lehner Mendoza and Erlinda Villalobos.

Graded B ng Cinema Evaluation Board, ang Watch Me Kill ay produced, written, and directed by Tyrone Acierto, from CineBandits Entertainment and distributed by Viva Films.

Nag-iisang Pinoy film din itong invited sa  2019 WARSAW International Film Festival to be held in Poland on October 11.

vuukle comment

JEAN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with