^

PSN Showbiz

Alden at Kathryn inaabangan kung papayagan kung makaka-swap ng channel

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Alden at Kathryn inaabangan kung papayagan kung makaka-swap ng channel
Kathryn Bernardo

Hindi ikinakaila ng Kapuso actor at tinaguriang Pambansang Bae na si Alden Richards na isa sa biggest break na dumating sa kanyang buhay ay ang pagkuha sa kanya ng Star Cinema to co-star with Kathryn Bernardo sa isang napanakagandang pelikula, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina na sa Hong Kong pa kinunan ang kabuuan ng pelikula.  Ito rin bale ang kanyang maituturing na acting piece dahil napiga umano siya ng director na si Direk Cathy.

Dahil showing na sa July 31 ang Hello, Love, Goodbye, busy sila ngayon ni Kathryn sa promo ng movie sa pamamagitan ng mga mall shows at iba pang guestings.

Maganda siguro kung papayagan si Alden na mag-guest sa iba’t ibang program ng Kapamilya Network (except It’s Showtime) including ASAP Natin To, Tonight with Boy Abunda, Umagang Kay Ganda, Magandang Buhay, Gandang Gabi Vice, at Rated Kto promote the movie.  

At kapag nangyari ito, dapat payagan din si Kathryn na mag-propomote sa mga programa ng Kapuso Network. Dito mapapatunayan ng Kapa­milya at Kapuso network na sila’y friendly competitors.

Life partners nina Piolo, Enchong, Matteo, Inigo at Charo ibinuko

Nung nakaraang Sabado, July 6 ay sabay-sabay na humarap sa entertainment media ang brand ambassadors ng Sun Life na sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Inigo Pascual at Ms. Charo Santos Concio kung saan nila isa-isang ibinahagi ang kanilang respective life partners sa totoong buhay.

Piolo’s partnership with Sun Life dates back many years ago hanggang sa sundan siya ng kanyang kaisa-isang anak, ang 21-year-old na si Inigo Pascual who’s craving a name on his own.

Bukod sa real partnership ng mag-amang Piolo at Inigo and with Sun Life, sumunod din sa kanila sina Enchong, Matteo at Charo kung saan din nila ibinahagi ang kani-kanilang kuwento sa buhay kasama ang kanilang lifetime partners at lahat kami ay na-amaze sa kanilang mga kuwento at ang ang pinaka-exciting sa lahat ay ang sariling kuwento ni Charo when she meet her lifetime partner, ang kanyang asawang si Cesar Concio who is half older than her age which, according to her, did not only shocked her family and friends but the Philippine society in general.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with