^

PSN Showbiz

Richard hindi pamalit kay Albert!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Richard hindi pamalit kay Albert!
Richard Yap

Sa panibagong yugto ng Kadenang Ginto, papasok ang karakter ni Richard Yap na pinaniniwalaang siya ang namatay na karakter ni Albert Martinez na sinasabing naka-survive raw sa plane crush at sumailalim sa plastic surgery dahilan ng kanyang bagong anyo. Ganunpaman itinanggi ito ng buong production ng Kadenang Ginto.

Kakaiba raw ang bagong role na ito ni Richard kesa sa mga nauna na may pa-cute na karakter.

Misteryoso raw ang role niya rito, papaano niya kaya matutulungan si Romina? Magkakaroon ba sila ng romansa?

Abangan na lang natin.

Dimples ayaw ng mga love scene at kissing scene 

Maituturing na woman of the season ang pinaka-latest na kontrabida ng ayon na si Dimples Romana kung saan pinahahanga ngayon ang maraming manonood dahil sa husay na ipinamamalas niya sa seryeng pinagbibidahan na Kadenang Ginto.

Para sa isang artista na nakilala bilang madalas na kaibigan ng bidang babae sa kanyang mga nakaraang movies o series, ang laki na ng itinaas ng lebel ng pagi­ging artista ni Dimples.

Mas gusto niya ang ganitong mga role dahil ayaw daw niyang gumawa ng love scenes o kahit kissing scenes lamang. Hindi rin siya puwede sa mga damit na seksi at naglalantad ng kanyang katawan, hindi ito dahil bawal sa kanyang asawa kung hindi isang pangangalaga sa mga bata pa niyang mga anak na hindi pa maiintindihan sa ngayon kung gumawa siya at lumabas sa mga eksena na lalampas sa natutunan nilang kagandahang asal.

Juliana at Andres pag-aaral muna ang aasikasuhin

Matagal pang maghihintay ang fans nina Juliana Gomez at Andres Muhlach kung lalagpas ba sa friendship zone ang relasyon ng dalawang produkto ng showbiz royalty na sina Aga Muhlach, Charlene Gonzales-Muhlach at Lucy Torres at Richard Gomez. 

Priority ng dalawang bata ang kanilang pag-aaral. Marami pa silang panahon para rito, pero sa ngayon, iwas muna sila sa ligawan. Ang importante parang parehong boto ang mga ama nila sa anumang relasyon meron sila ngayon.

Liza hindi na puwede sa action

Ngayon lang maiisip ng marami na medyo may kaseryosohan nga talaga ang injury na tinamo ng isang daliri ni Liza Soberano.

Nakaka-ilang operasyon na ang kanyang daliri at maghilom man ito, mahihirapan na siyang muling sumabak sa mga action scene. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with