^

PSN Showbiz

Young singer-actress na de primerang bully, nagwawala ‘pag siya ang pinapansin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

“D’yan ka magaling!” nagkakaisang bira ng mga netizens sa isang young singer-actress na nagpapakabalat-sibuyas pero de-primera namang bully at hindi kagandahan ang ugali.

Ipinaglihi rin siya sa bagong pitas na patola dahil sa hilig niyang resbakan ang mga pumupuna sa kanyang ugali, mas matindi pa ang kanyang pananalita, wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng iba tungkol sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Sino ba ang pasimuno sa pagiging bully? May kaseryosohan ba siya sa buhay? Di ba, pinaglalaruan niya ang lahat? Napakagaling niyang mang-bully, pero kapag siya na ang pinapansin, e, nagwawala na siya!

“Kung ayaw niyang gawin ng kapwa niya sa kanya ang isang bagay, e, dapat din niyang matutunan muna na respetuhin ang kapwa niya!” inis na pagsisimula ng aming source.

Madalas siyang upakan sa social media, pero ang pinakamatindi ay nakita at naramdaman niya kailan lang, dahil sa dila niyang walang disiplina.

“Kung minsan tuloy, e, maiisip mo na lang, pinabayaan ba ng mas nakatatanda niyang kasama ang ugali niyang ganyan mula nu’ng pagkabata niya?

“Bakit parang wala naman siyang pinakikinggan? Wala bang nagpapayo sa kanya na selyuhan niya naman ang dila niya kahit paminsan-minsan lang? Masyadong minantikaan ang dila ng babaeng ‘yun!

“Galit na galit siya kapag pinapansin siya, ang family niya, pero teka lang naman muna! Ano ba ginagawa niya? Wala bang pamilya ang mga taong pinakakain niya nang masasakit na salita? Wala bang pamilyang masasaktan ang mga taong hinuhusgahan niya?

“Kung ayaw niyang makabasa ng mga posts na tumutumbok sa family niya, e, una muna siyang matutong rumespeto sa iba!” matigas pa ring komento ng aming impormante.

Namumuro na ang young singer-actress na ito sa kanyang mga pinagsasasabi at pinaggagagawa na para bang siya lang at ang kanyang mga mahal sa buhay ang may karapatang masaktan.

Patuloy ng aming source, “Alam n’yo bang maraming katrabaho na rin ng babaeng ‘yun ang naiinis sa pagiging taklesa niya? Bago pa mahuli ang lahat, e, pag-aralan na niyang rumespeto ng kapwa niya!

“Hindi na siya nakakatuwa, nakakainis na ang pagiging bully niya, sa totoo lang! Baka nga siya na lang at ang family niya ang natutuwa sa mga pinaggagagawa niya, e!

“Huwag na siyang kuda nang kuda, huwag na siyang nang-aaway ng mga nagkokomento tungkol sa family niya, kasi nga, e, siya ang de-primerang mapaglaro ng buhay ng may buhay!” pagtatapos ng aming impormante tungkol sa super-payatolang young singer-actress.

Ubos!

Zeus nag-enjoy sumayaw na parang totoong beki

Bumida nu’ng Lunes nang tanghali sa opening production number ng It’s Showtime ang Hashtag member na si Zeus na naka­suot ng pink na sapatos na may takong.

Sarap na sarap siya sa pagsasayaw nang naka-heels, talagang ninanamnam niya ang bawat segundo ng kanyang pagsasayaw, kaya maraming kababayan natin ang naalarma.

Ang lumaganap na tanong ng marami, nagladlad na raw ba ang member ng Hashtag na matagal nang naba-blind item ang pagiging kuwestiyonable ng kasarian?

Beking-beki kasi ang kilos ni Zeus, para bang ‘yun na nga ang panahon para ipaalam niya sa buong bayan ang tunay niyang gender, nagdadalagang-Pilipina challenge pa si Zeus.

Tinalakay namin ‘yun sa Cristy Ferminute dahil sa dami ng nang-uurirat, bading raw ba talaga si Zeus, sayang na sayang daw naman dahil bukod sa matangkad na ay guwapo pa ang miyembro ng Hashtag.

Nag-text sa amin si Mel Feleciano, ang choreographer ng noontime show na nagbuo ng production number na kasama ni Zeus ang Junior New System na binigyan ng standing ovation nang sumali sila sa America’s Got Talent, ito ang kanyang paliwanag.

Ayon sa aming kaibigan-anak-anakang si Mel Feleciano, “Hello, Nanay! Nakikinig ako. Ako ang gumawa ng prod number ni Zeus na kasama ang Junior New System.

“Ang sa akin lang, kung tunay kang lalaki, e, hindi ka matatakot gumawa ng ganu’ng prod number, dahil kilalang-kilala mo ang sarili mo.

“Magaling si Zeus, sinabayan niya ang grupong marami ring members na tunay na lalaki, kaya hindi dapat pagdudahan ang gender ni Zeus!”malinaw na komento ng choreographer.

Oong-o nga naman.

vuukle comment

ZEUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with