^

PSN Showbiz

Anne at Richard sasabak sa coronation ng Binibini!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Anne at Richard  sasabak sa coronation ng Binibini!
Anne Curtis at Ri­chard Gutier­rez

Ikinalulugod ng mga tagasubaybay ng Binibining Pilipinas beauty pageant ang pagkuha kina Anne Curtis at Ri­chard Gutier­rez para mag-host ng coronation night ng paligsahan sa kagandahan na nag-uwi na ng titulong Miss Universe tulad nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Ngayong gabi magaganap ang koronasyon ng mga mapipiling Binibining Pilipinas na magi­ging kinatawan natin sa Miss Universe, Miss International, Miss Supranational, Miss World, atbp.

 Balitang magiging pinaka-star studded ang koronasyon ngayong gabi. Marahil bilang pagdiriwang na rin ng pamamayani ng organisasyon ni Gng. Stella Marquez Araneta sa mara­ming tagumpay nila sa mga international beauty pageants.

Comedy films babawi

‘Di na lang concert kundi pelikula na ang hu­ling ipinrodyus ni Pops Fernandez. Sana maging matagumpay ito tulad ng mga prinodyus niyang mga concert, ang pelikulang Feelennial lalo’t magagaling naman ang mga nakuha niyang artista tulad nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani.

Kung matamlay ang manonood sa mga romance movies baka sa komedi bumawi ang local movies. Katulong ng DSL ni Pops bilang movie producer ang Cignal Entertainment.

Derek malas sa love life?!

Mukhang minamalas ang lovelife ni Derek Ramsay. Break na naman sila ng girlfriend niya of more than five years na si Joanne Villablanca. Kung ano ang dahilan ng kanilang split ay hindi pa alam dahil nagpapaka-maginoo ang bagong Kapuso artist sa pamamagitan ng pananahimik tungkol sa isyu. Matatandaan na minsan ay inamin na ng aktor na si Joanne na ang kanyang pakakasalan. Bago si Joanne ay nakarelasyon ni Derek sina Angelica Panganiban, Solenn Heusaff at naka-date rin sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

vuukle comment

ANNE CURTIS

RI­CHARD GUTIER­REZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with