^

PSN Showbiz

Direktor ng 2 Cool… pasok sa Locarno

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Direktor ng 2 Cool� pasok sa Locarno
Petersen

Kasama ang pangalawang feature project na Some Nights I Feel Like Walking ng film director na si Petersen Vargas sa Open Doors Hub program ng Locarno Film Festival ngayong taon sa Switzerland.

Ang Open Doors Hub Program ay itinatag 17 na taon na ang nakakalipas, at ito ang industry sidebar ng Locarno Film Festival. Ang mga napiling director at producer na sasali sa programang ito ay ime-mentor at magkakaroon ng pagkakataong makipag-network sa potential international distributors at partners. Ngayong taon, walong promising projects mula sa Southeast Asia ang lalahok sa programa para sa international collaborations.

Ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang film agency ng Pilipinas, ang pagbigay ng karangalan nina Vargas at ng kanyang team sa bansa.

Nauna nang nanalo ng best picture ang coming-of-age debut feature na 2 Cool 2 Be 4gotten ni Vargas sa Cinema One Originals Film Festival 2016. Kasama naman ang Some Nights I Feel Like Walking sa limang  projects na napili para sa pangatlong edition ng Southeast Asia Fiction (SEAFIC) Film Lab, isang intensive script development lab para sa Southeast Asian filmmakers. Si Vargas ang unang Filipino participant ng nasabing Lab.

Co-produced nina Jade Castro at Alemberg Ang ang Some Nights I Feel Like Walking. Sa kasalukuyan, nasa pre-production stage ang film project.

Ang Open Doors Hub ng Locarno Film Festival ay gaganapin mula Agosto 7 hanggang 13, 2019, habang ang 72nd Locarno Film Festival naman ay mangyayari mula Agosto 7 hanggang 17, 2019. Ito ang isa sa mga pinakamatanda’t pinakaprestihiyosong film festivals sa buong mundo na nagtatampok ng arthouse films.

vuukle comment

PETERSEN VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with