^

PSN Showbiz

John Lloyd at Ellen inilantad ang anak?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd at Ellen inilantad ang anak?!
Bakasyon ni Beauty kasama ang pamilya ni John Loyd

Hindi pa rin naman natatapos ang summer at maaga pa para bumalik ang mga estudyante sa eskwela kaya marami pa ang humahabol sa bakasyon.

Balitang nakasamang magbakasyon ni Beauty Gonzales hindi lamang ang kanyang asawa’t anak kundi maging ang BFF niyang si Ellen Adarna at si John Lloyd Cruz. May ilang larawan na lumabas na nag-bonding ang mga ito. Sa isang larawan na inilabas ni Beauty ay kasama ang isang batang lalaki na hinala ng netizens ay anak nina John Lloyd at Ellen.

Humabol din sa isang bakasyon si Maja Salvador at ang BF niyang si Rambo Nuñez. Sa Bali, Indonesia ang naging destinasyon nila.

Ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis Smith ay dito lamang sa Pinas, sa La Union sila nagpalamig. 

Imelda hindi hirap sa bagong posisyon

Wala nang dahilan para umiyak pa o malungkot ang Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin. Kapapanalo lamang niya sa eleksyon bilang Vice Governor ng Camarines Sur. ‘Di tulad nung nakaraan niyang pagtakbo sa nasabing posisyon na kung saan ay wala pang resulta ang isinampa niyang reklamo dahil sa pagkakaroon umano ng dayaan sa naging bilangan, hindi siya masyadong nahirapan sa ginawa niyang pagtakbo ngayon dahil marahil na-realize na rin ng mga kababayan niya na serbisyo lang talaga ang habol niya. Matagumpay na siya sa pinili niyang propesyon.

Ganun pa man, marami pa rin siyang natatanggap na offer para mag-perform dito at maging sa labas ng bansa nito na nagbibigay sa kanya ng magandang kabuhayan. Iisa lamang ang anak niya na may maganda ring trabaho sa US. Kung hindi man name-miss ng bagong VG ang kanyang anak ito ay dahil kasa-kasama niya ang tatlong anak nitong apo na dito balak tapusin ang kanilang edukasyon.

Hindi na mahihirapan si Imelda na gampanan ang bago niyang posisyon sa gobyerno, hinawakan na rin niya ito dati. Hindi sa muling pagpasok niya sa pulitika lamang siya makakaranas ng tagumpay kundi bilang isang singer din.

Napili sila ni Rey Valera bilang OPM King & Queen ng 2019 Dangal ng Bayan Awards. Magaganap ang parangal sa kanila sa July 20 Great Eastern Hotel. May malaking konsyerto din siyang gagawin bilang pagdidiriwang ng kanyang anibersaryo sa showbiz. Hindi man siya makagawa ng bagong recording ay kasalukuyang humahataw naman ang big hit niyang Isang Linggong Pag-ibig na binigyan ng bersyon ng milenyal ng mabilis na sumisikat na si LA Santos.

JM kanta-kanta muna

Habang wala pang film project si JM de Guzman dahil tinanggihan ni Barbie Imperial ang isang pelikula na pagsasamahan sana nila, pinagkakaabalahan ng aktor ang kanyang pagkanta. Bentahe ni JM na bukod sa pag-aartista ay kumakanta rin siya at tumutugtog ng gitara.

May iba pa siyang magagawa kapag matumal ang acting roles. At mukha namang he’s on the right path dahil sila ni Moira dela Torre ang may kolaborasyon sa bagong kanta na ginagawa niya. In demand si Moira sa Spotify at inaabangan ng lahat ang susunod nitong single at kapag nangyari na yung sa kanila ni JM ang ire-release, makakasiguro na sila ng isang big hit.

Rosanna aktibo na uli kahit mataba

Marami ang natutuwa na malaman na aktibo na naman si Rosanna Roces sa kanyang pag-aartista. Patok ang tambalan nila ni Efren Reyes, Jr. sa Bastardos.

Isang magaling na artista ang dating sexy star, sayang kung buburuhin lamang niya ang kanyang talento sa likod ng kamera gayung pwede naman niya itong pagkakitaan. Hindi naman siya mawawalan ng offer dahil nga magaling siya. Hindi rin problema ang katabaan niya para hindi niya magampanan ang mga roles na ibinibigay sa kanya ngayon.

PMPC nagdagdag ng parangal

Siguradong star-studded ang magaganap na 35th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ngayong Linggo June 2, sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila dahil bukod sa pagbibigay ng parangal sa mga natatanging alagad ng sining ng pelikula ng nagdaang taon, ipagdidiriwang din ang ika-100 taon ng Philippine Cinema.

Bibigyan ng parangal ang mga Natata­nging Bituin ng Siglo (Nora Aunor, Tirso Cruz lll, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Garcia, Anita Linda, Niño Muhlach, Ramon Revilla, Susan Roces, Gloria Romero, Philip Salvador, Vima Santos) at maging ang apat  na naging pangulo ng organisasyon (Ethel Ramos, Ronald Constantino, Letty Celi at ako, Veronica Samio)  bilang Pillars of PMPC.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

ELLEN ADARNA AND JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with