_ngayon
^
Godzilla may sequel agad!

Godzilla may sequel agad!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang Finding You ng Regal Entertainment Inc. at Quezon’s Game ng Star Cinema/ Kinetek ang dalawa sa tatlong Tagalog movies na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Makakalaban ng Tagalog movies ang Godzilla: King of the Monsters, ang Hollywood film na may production cost na US$200 million na may sequel na agad, ang Godzilla vs Kong na ipalalabas sa mga sinehan sa March 13, 2020.

SCENE: Kinunan sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan ang lahat ng mga eksena ng Quezon’s Game kaya mabilis na natapos ang shooting ng pelikula na pinagbibidahan nina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro. Humakot ng mga parangal sa iba’t ibang international film festivals ang pelikula dahil sa mahusay na performance ng mga artista at sa direksyon ni Matthew E. Rosen.

SEEN: Rosang Agimat ang working title ng primetime program ng GMA 7 na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Thea Tolentino, Eddie Garcia, Tonton Gutierrez, Aubrey Miles, Celia Rodriguez, Gil Cuerva at Jeric Gonzales. Si Toto Natividad ang direktor ng Rosang Agimat.  Ang Rosang Agimat ang isa sa mga project ng GMA 7 na hindi natuloy noong 2007. Si Rhian Ramos ang dapat na gaganap noon na bida.

SCENE: Kahit mataas ang ratings, hindi magkakaroon ng extension ang Love You Two ng GMA 7 dahil good for one season lang ang primetime show na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Ang The Better Woman na unang drama series project ni Derek Ramsay ang ipapalit sa LYT.

SEEN: Hindi mababakante si Jennylyn Mercado dahil malapit nang umpisahan ang taping nila ni Dingdong Dantes para sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun. Sina Jennylyn at Dingdong din ang mga host ng Season 7 ng Starstruck na ibabalik ng GMA 7 sa June 15, 2019.

SCENE: Masaya si Francine Prieto dahil kasama siya sa cast ng My Haunted Wife, ang upcoming suspense-thriller-drama series ng GMA 7. Co-stars ni Francine sa My Haunted Wife sina Boots Anson Rodrigo, Kim Domingo, Sharmaine Arnaiz, Kris Bernal, Rayver Cruz at Megan Young.

GODZILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with