Janella aminadong natuto kay Elmo
Elmo
Janella aminadong natuto kay Elmo
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2019 - 12:00am

SEEN: Excited si Carmina Villarroel dahil makakatrabaho niya muli si Maricel Soriano sa isang horror movie ng Regal Entertainment Inc., ang The Heiress. Magpinsan na mambabarang ang mga karakter na gagampanan nina Carmina at Maricel sa unang horror movie ng direktor na si Frasco Mortiz. Walang conflict sa taping ng mga teleserye nina Carmina  at Maricel  ang shooting ng The Heiress. Tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes ang taping days ni Carmina para sa Kara Mia ng GMA 7 at ganoon din ang araw ng taping ni Maricel para sa The General’s Daughter.

SCENE: “Natuto na ako” ang reaksyon ni Janella Salvador habang pinakikinggan nito ang sinabi ni Maricel So­riano sa story conference ng The Heiress na huwag muna siyang magmahal pagkatapos ng nangyari sa relasyon nila ni Elmo Magalona. Si Janella ang gaganap na anak ni Carmina sa pelikula at pareho sila ni Maricel na umaasa na magiging official entry ito sa Metro Manila Film Festival 2019.

SEEN: Sa July 10, 2019 ang playdate ng Indak, ang dance movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Ang Indak ang unang mainstream movie ng concert director na si Paul Basinillo. 

SCENE: Sa June 2019 ang tentative playdate ng Untrue, ang pelikula nina Xian Lim at Cristine Reyes na kinunan sa Georgia. Mauuna na ipalabas sa mga sinehan ang Untrue kesa sa Indak kahit mas una itong inumpisahan at natapos ang shooting ng pelikula. Introducing sa Indak si Race Matias, ang panganay na anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ipinakita ni Race ang husay niya sa pagsasayaw sa The Cr3w, ang April 5 concert nina James Reid, Billy Crawford at Sam Concepcion sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: World Class Kababayan ang pamagat ng upcoming public service show sa GMA News TV ng former actress-turned-television host na si Marissa del Mar. Ang Buhay OFW ang title ng defunct show ni Marissa sa TV5.

SCENE: Isang medium ang role ni Guila Alvarez sa Kuwaresma, ang horror movie ng Reality Entertainment at Globe Studios na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta. Ang Kuwaresma na may playdate sa May 15 ang comeback movie ni Guila na hindi pa rin kumukupas ang acting talent.

SEEN: Introducing sa Kuwaresma ang television commercial model na si Kent Gonzales na masuwerte dahil above the title ang billing ng pangalan niya sa kanyang unang pelikula. Si Kent ang gumanap na anak ni Sharon Cuneta.

ELMO MAGALONA JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with