Alden at Winwyn nili-link!

Winwyn

SEEN: Inilipat sa May 8 ang playdate ng Sons of Nanay Sabel ng Viva Films pero tuloy na tuloy bukas, April 29, ang red carpet premiere ng pelikula ni AiAi Delas Alas at ng Ex Battalion sa Cinema 1 ng SM Megamall.

SCENE: Si Ali Sotto ang tatanggap ng Dr. Jose Perez Memorial Award sa 67th FAMAS Awards na magaganap ngayong gabi sa Meralco Theater. Ang mga talent manager, entertainment columnist, PRO at starbuilders na may malaking kontribusyon sa Filipino motion picture industry ang binibigyan ng descendants ni Sampaguita Pictures producer Dr. Jose Perez ng nabanggit na parangal.

SEEN: Hindi matanggap ng ibang fans ang balita na nagkakamabutihan sina Alden Richards at Winwyn Marquez. Hindi raw dapat bigyan ng ibang kahulugan ang matagal nang friendship nina Alden at Winwyn na isa sa mga invited guest sa blessing noong April 24 ng McDonald’s branch sa Biñan, Laguna na pag-aari ng aktor.

SCENE: Premature ang reaksyon ng fans na nag-aalburoto sa balita tungkol sa lumalalim na friendship nina Alden Richards at Winwyn Marquez dahil lalabas din ang katotohanan sa bandang huli.

Show comments