Young actor naging masuwerte sa ‘di orig na ka-loveteam
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

Nakadestino talagang sumikat ang isang young actor. Aksidente lang ang dahilan kung bakit at paano siya nakilala at tinitilian ngayon kahit saan siya magpunta. Ang aksidenteng pagkakataong ‘yun ang nagpayaman sa bagets.

Hindi dapat sumikat ang young actor, para sa isa pang bagets actor dapat ang napakagandang oportunidad na makatambal ang isang sikat na young actress, pero nagkaroon ng problema.

Pag-alala ng aming source, “Si ____(pangalan ng isang tisoy na young actor) dapat ang makaka-loveteam ni ____(ang sikat na young actress), pero di ba, nagkaroon ng controversy nu’n tungkol sa bagets actor?

“Lumabas ang kuwento na siya ang ama ng ipinagdadalantao ng isang young actress. Napakaingay ng issue na ‘yun, tumatanggi ang bagets actor, pero naninindigan ang young actress na siya ang ama ng bata!

“Lumaki nang lumaki ang controversy, nag-aaway ang magkabilang kampo, hanggang sa unti-unti nang nasira ang image ng young actor,” umpisang kuwento ng aming source.

Dahil sa kontrobersiya ay nag-isip ang mga ehekutibo ng network na kinabibilangan ng tisoy na young actor at ng makakapareha sana niyang young actress.

Patuloy ng aming impormante, “Nagbago ang plano. Sabi ng mga executives, kailangan nilang magpa-audition. Sangkatutak na guwapong bagets ang dumating sa audition, hanggang sa mauwi ‘yun sa ten na lang na pagpipilian.

“Tinanong ng mga bossing ang young actress kung sino sa palagay niya ang mas babagay sa kanya. Mula sa mga pictures na ipinakita sa girl, saka sa audition video, napili nga ang ka-loveteam na niya ngayon.

“Ang laki-laki ng dapat ipagpasalamat ng bagets actor na ‘yun sa dapat, e, original na makaka-loveteam ng young actress. Nasira kasi ang image niya, nakakapanghinayang ang career ng bagets.

“Pero sabi nga, wala namang aksidente sa mundo, palaging nakaguhit sa kapalaran natin ang lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Talagang nakatakdang sumikat ang young actor na boyfriend na ngayon ng ka-loveteam niya.

“At hindi lang ang bagets actor ang nabiyayaan, pati nga ang mommy niya, e, nagkaroon ng career, di ba? Biglang nagkaroon ng show si mother, sinuwerte rin siya dahil sa anak niya, sa totoo lang!” kumpletong kuwento ng aming source.

Ubos!

Jake sinusumpa sa mga ginagawang kahalayan 

Pinakakain na naman ng ampalaya at pinalulunok ng apdo ng mga netizens si Jake Zyrus. Pero iba na ang dahilan ng mga pamba-bash sa magaling na singer-performer.

Hindi na ang away nilang mag-ina ang dahilan, napakapersonal na, tungkol ‘yun sa pagpo-post niya ng retratong nagpu-push-up siya nang walang suot na t-shirt kaya kitang-kita ang flat niyang dibdib.

Walang pang-itaas na saplot si Jake, kaya nakalantad ang kanyang magkabilang bundok na hindi na nakaumbok ngayon, du’n siya umani ng mga hindi paborableng komento mula sa ating mga kababayan.

“Ano pa ba naman ang kailangan niyang patunayan? Naikuwento na ni Jake nu’n pa ang pag-inom niya at pagpapa-inject ng male hormones, kaya bakit kailangan pa niyang ibuyangyang sa buong mundo na wala na siyang boobs?” isa lang sa sangkatutak na komentong nabasa namin kontra kay Jake Zyrus.

Dahil sa pagiging lalaki siya maligaya at dahil nand’yan na ay tinanggap si Jake ng ating mga kababayan sa bago niyang kasarian. Hindi naman maibibigay sa kanya ng ibang tao ang kanyang kaligayahan kaya sinakyan na lang ng publiko ang pagpapalit niya ng gender.

Pero hindi pa rin pala handa ang publiko na makita ang naging resulta ng mga prosesong pinagdadaanan ni Jake para maging lubos na siyang lalaki. Tama nang alam na lang ‘yun ng ating mga kababayan pero ang ipakita pa ang kanyang bagong anyo ay parang kalabisan na.

Sabi nga ng kanyang Nanay Tessie Relucio, “Kahit ano pa ang gawin ni Charice sa katawan niya, kahit pa ipaalis niya ang dibdib niya, babae pa rin siya na rereglahin buwan-buwan!

“Hindi pa rin niya matatakasan ang ibinigay sa kanya ng Diyos. Babae pa rin siya, hindi siya magiging tunay na lalaki kahit anong mga operasyon pa ang pagdaanan niya!” sigaw ng kanyang lola.

Komento naman ng kaibigan naming propesor, “Ewan kung ano na naman ang kinain ni Jake sa almusal. Huwag na uli niyang kakainin ‘yun, dahil baka sa susunod, e, ang ibaba na niya ang ipakita niya sa publiko!

“Kahalay!” napapailing na sabi ni prop.

JAKE ZYRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with