^

PSN Showbiz

Aktor kinalasan ng GF na tinuring na TL nang mawalan ng regular show

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Affected ang aktor sa break up nila ng kanyang lover dahil ayaw niya na pinag-uusapan ang nangyari.

Ang feeling ng concerned friends, hoping pa rin ang aktor na magkakabalikan sila ng dyowa niya kaya tikom ang kanyang bibig sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.

Iginagalang ng friends ang pananahimik ng aktor pero alam nila na wala nang reconciliation na magaganap.

Binura na ng lover ng aktor sa social media ang lahat ng mga litrato na magkasama sila. Hindi na rin siya follower ng social media accounts ng aktor na sanay na makipagrelasyon pero affected sa recent split up nila ng kanyang dyowa dahil ito ang itinuturing niya na true love.

Nakadagdag sa depression na nararamdaman ng aktor ang nangyayari sa showbiz career niya dahil kung kailan wala siyang regular show sa TV, saka nagbabu ang kanyang inspirasyon at kiyeme-kiyeme na greatest love.

Goyo ni Paulo, apat na sinehan ang inokopa

Napa-wow ang isang movie producer nang malaman nito na ginanap noong Thursday night sa apat na sinehan ng SM Megamall ang premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral.

May dahilan para mapa-wow ang produ dahil never siya na nag-attempt na mag-mount ng ganoon kabongga na premiere, kahit kumikita sa box-office ang kanyang mga pelikula.

Naranasan na noon ng produ na magdaos ng premiere ng kanyang mga film project sa dalawang sinehan lang, hindi apat dahil malaking gastos ito.

Anne tuloy na ang pamimigay ng libreng kasal

Tutuparin na ni Anne Curtis ang kanyang pangako noong 2017 tungkol sa project niya para sa Dream Machine na siya ang sasagot sa lahat ng gastos ng lucky couple na gustong magpakasal pero walang budget.

Ang Dream Machine ang foundation ni Anne na marami nang natutulungan na mga kapus-palad at nakapagpagawa na rin sila ng mga classroom na may pangalan na Anita.

Sa AnneKulit concert ni Anne noong August 18, ang pagpapatayo ng mga classroom sa mga school na naapektuhan ng giyera sa Marawi ang next project ng Dream Machine.

Anyway, ipagdiriwang ni Anne at ng kanyang mister na si Erwan Heussaff ang first wedding anniversary nila sa November 12 at malay natin, baka isabay ni Anne sa anibersaryo ng kanilang kasal ang winners ng contest na may mahigit sa kalahating milyon na likes sa Instagram post niya.

Lani kakanta ng Queen songs sa anniversary ng MPO

Tonight na ang MPO Opus20: Trailblazing Music Excellence, ang 20th anniversary concert ng Manila Philharmonic Orchestra sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Kabilang sa mga special guest ng MPO Opus 20 si Lani Misalucha na kakanta ng mga timeless rock song ng Queen, kasama ang UST Singers.

Si Freddie Santos ang director ng concert na concept ni Maestro Rodel Colmenar, ang founder at music director ng Manila Philharmonic Orchestra.

vuukle comment

GOYO: ANG BATANG HENERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with