FDCP, IACAT, at CFO makikiisa sa World Day against Trafficking in Persons 2018
MANILA, Philippines — Dahil sa pagdiriwang ng 2018 World Day against Trafficking in Persons, maglulunsad ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng isang Cineforum tampok ang pelikulang Across the Crescent Moon sa July 31, 2018 sa Cinematheque Manila.
Ang Cineforum ang isa sa mga main activities na nakahanda para sa week-long celebration ng global event dito sa bansa. Ang pinaka-unang layunin nito ay ang mapalawig ang public awareness sa isyu ng human trafficking.
Pangungunahan ito ng director at producer ng pelikula na si Ms. Baby Nerida, CFO Usec. Astravel Pimentel-Naik at FDCP Chairperson Liza Diño.
Taong 2013 nang tanggapin ng United Nations General ang resolusyong nagsasabi na ang July 30 daw ay World Day against Trafficking in Persons.
Ang resolusyong ito ang nagdeklara na kailangan pang palawigin ang kaalaman ng mga tao tungkol sa sitwasyon ng mga biktima ng human trafficking.
Ang award-winning masterpiece ni Ms. Nebrida na hinirang bilang Ambassador for Peace mula sa International Parliamentarians ay isang eye-opener sa mga problema ng human trafficking dito sa Pilipinas.
Ginagampanan ni Matteo Guidicelli sa nasabing pelikula ang isang sundalong Muslim na tumutugis sa human trafficking at iba pang kaso sa parteng timog Mindanao habang pinapanatili niya ang pagmamahalan nila ng kanyang Kristyanong asawa na gaganapan ni Alex Godinez.
Ang pinaka-highlights ng pelikula ay ang ipakita ang modern-day slavery, kidnapping, abduction at illegal recruitment na madalas mangyari sa Pilipinas.
Tatalakayin din dito ang inter-faith relationships kung saan binibigyang importansya ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at relihiyon.
Umani ng maraming papuri ang nasabing pelikula internationally, ilan na nga dito ang Best Ensemble Cast at Best Feature Global Film mula sa International Film Festival Manhattan at Best Film mula sa Catholic Mass Media Awards.
Halos 21 milyong katao raw ang nabibiktima ng human trafficking sa buong mundo ayon sa International Labour Organization.
Nag-launch ang IACAT ng Actionline noong 2011 laban sa trafficking para dito, ang numerong 1343. Pagpapatunay lang ito na ang ating gobyerno ay tutok sa pagpuksa ng human trafficking at pang-aabuso.
- Latest