^

PSN Showbiz

James ayaw patulan ang bagong parinig ni Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
James ayaw patulan ang bagong parinig ni Kris
James

Marco Gallo at Marco Gumabao, friendzoned kay Juliana

PIK: Nag-enjoy ang ilang celebrities na nakisaya sa Whatta Whatta Basaan Festival sa San Juan kahapon.

Sa imbitasyon ni Francis Zamora, dumalo sina James Yap, Marc Pingris, Ricci Rivero, Brandon Vera, Daiana Menezes at Don Allado.

Nag-enjoy silang sumakay sa fire truck at nakipagbasaan sa mga taga-San Juan na nakisaya sa kanila.

Sa laki ni Brandon, nagmistulang security ito sa mga artistang pinagkaguluhan ng mga tao.

First time daw niyang sumali sa ganun kaya tuwang-tuwa itong nakisaya sa mga tao at nag-promote na rin tuloy ng pelikula nila ni Anne Curtis na Buy Bust na magsu-showing na sa susunod na buwan.

Inamin ni Brandon na bukod sa pagsali niya sa UCC, matagal na raw pala niyang wish na maging artista.

“Bata pa ako pangarap ko na talaga. Noon pa gusto ko na talaga,” pakli ni Brandon na matatas na mag-Tagalog.

PIK: Halos dalawang linggo naman ang selebrasyon ng kapistahan sa Ormoc City na kung saan dalawang taon na itong ipinagdiriwang ni Richard Gomez bilang alkalde.

Isa sa pinagkaguluhan sa Piña Festival na ipinagdiwang sa Ormoc ay ang 17-year old na unica hija nina Mayor Goma at Cong. Lucy Torres-Gomez.

Marunong makisalamuha si Juliana sa mga tao at tuwang-tuwa sila lalo nang nakisayaw ito sa kanila kasama rin sina Goma at Lucy.

Doon na rin sinagot ng dalaga na friends lang daw talaga sila ni Marco Gallo, pati si Marco Gumabao na nali-link din pala sa kanya.

Malalaman yan sa September sa debut ng dalaga kung si Marco Gallo o Marco Gumabao ba ang escort niya. Basta pangako raw niya sa magulang niya na kailangang tapusin muna ang pag-aaral.

Balak ni Juliana na kumuha ng kursong Mass Communications at gusto niyang mag-train ng filmmaking sa ibang bansa.

BOOM: Doon pa rin sa Basaan Festival sa San Juan, kinorner namin si James Yap para hingan ng pahayag kaugnay sa mga huling pahayag ni Kris Aquino na okay lang daw sa kanya kung maka-close ito ng anak nilang si Bimby.

“Tinatawag na ako eh,” paiwas na sagot ni James na basang-basa dahil nagkabuhusan ng tubig.

Umiling lang siya nang tinanong namin kung binati ba siya ni Bimby nung Father’s Day.

Excited lang siya dahil anytime next week ay manganganak na pala si Michela Cazzola.

First baby girl niya kasi ito kaya iba raw ang excitement na nararamdaman niya.

“Next week na. Excited ako, first baby girl ko eh,” tipid na pahayag ni James.

Desisyon daw ni Michela na huwag munang ilalabas ang litrato ng baby habang bata pa ito. Gaya ng panganay nilang si Baby MJ, halos mag-one year nang ipinost nila sa social media ang litrato ng bagets.

“Nag-usap kami ni Mic, ayaw daw muna niyang ilabas habang baby pa,” sabi ni James.

Kinulit uli namin tungkol kay Bimby at sa mga hu­ling pahayag ni Kris; “Mas mabuting tahimik na lang,” safe na sagot ni James.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with