^

PSN Showbiz

Relasyong Tommy at Miho noon ibinukong scripted lang

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Relasyong Tommy at Miho noon ibinukong scripted lang
Miho at Tommy

Heart naiyak!

PIK: Ewan ko kung totoong may sinabihan daw na kaibigan itong si Tommy Esguerra na gimmick lang daw pala yung kiye­meng relasyon nila ni Miho Nishida. Para lang naman daw iyun sa Pinoy Big Bro­ther at itinuluy-tuloy na para sa kanilang loveteam.

Ngayon ay karelasyon na ni Tommy ang baguhang Kapuso young actress na si Kelley Day, at si Miho naman ay tila masaya naman kay Young JV.

Hindi naman gimmick yung kina Young JV at Miho.

Naikuwento ng singer/actor sa press launch ng bagong endorsement niyang Megasoft Hygienic Pro­ducts. Inc. na masaya sila ni Miho at nandiyan daw ang suportahan nila sa isa’t-isa.

Pati ang pagpaparetoke ng mukha ni Miho ay suportado rin ni Young JV.

PAK: Nag-tweet si Juancho Trivino na hindi raw niya sinagot ang isyu nila ni Maine Mendoza para lang ma-promote ang Inday Will Always Love You na magsisimula na sa May 21 sa GMA Telebabad.

Pero sinagot naman niyang magkakabarkada lang daw talaga sila nina Maine kasama sina Sheena Halili at ng non-showbiz boyfriend nito.

Pero nilinaw namin kay Juancho kung hindi ba kasama sa grupo nila na magkakabarkada si Alden?

Nagkasama sila sa Destined To Be Yours, bakit tila out si Alden sa kanilang grupo?

Ani Juancho; “Yung kay Alden naman kasi kaya kami naging close kami nila Maine, nina Sheena, kasi ibang unit kami sa Destined To Be Yours.

“Si Alden kasi madalas sa main unit, kami nina Sheena, Maine nasa bundok kami. Kaya palagi kami nagkaka-bonding.

“Pero everytime na we would have scenes together like I posted on Instagram before na naglalaro nga kami ng board games. So, Alden is still a part of our group.”

BOOM: Sandali naming nakatsikahan ang manager ni Heart Evangelista na si Arnold Sebastian, pero ayaw niya munang magbigay ng ilang detalye tungkol sa pagbubuntis ng Kapuso actress.

Napaluha raw si Heart nang sinabi sa kanya na buntis na siya. Pero mas mabuting galing daw kay Heart ang mga detalye.

Sabi lang daw ni Heart, alam daw nilang si God talaga ang nagbigay nito sa kanila ni Sen. Chiz Escudero.

“Hindi nila ito pinilit eh. Talagang right time na ibi­nigay sa kanila ito ni Lord,” sabi ni Arnold.

Tamang-tama raw na ibinalita nila ito sa Mo­ther’s Day. 

vuukle comment

MIHO NISHIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with