^

PSN Showbiz

Eric doble ang tuwa sa nangyari sa 2 mommies

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Eric doble ang tuwa  sa nangyari sa 2 mommies

Nakausap namin si Eric Quizon sa block screening ng My 2 Mommies sa Gateway Mall na bigay ng manager nitong si Dolor Guevarra at Veanna Fores. Masaya ang mood ni Eric at ang mga invited sa block screening.

Doble ang tuwa ni Eric sa directorial comeback niya sa Regal movie dahil graded A ito ng CEB at box-office hit din. Ano ang feeling niya?

“Siyempre masaya ako na graded A ang My 2 Mommies dahil ang last movie ko, 2009 pa (Nobody, Nobody But...Juan ng amang si Dolphy). May meeting kami nina Mother Lily, Roselle Monteverde for my next movie sa Regal. May tumawag kay Roselle at sabi, ‘it’s a unanimous yes.’ Sumigaw si Mother Lily. Parang too good to be true dahil I’m so used doing teledrama,” sagot ni Eric.

Dahil sa magandang resulta ng movie, mapapadali ang mga pelikulang gagawin ni Eric sa Regal Films. Sinusulat na ni direk Joey ang script ng next movie ni Eric para kay Maricel Soriano. Excited na rin si Eric na gawin ang Titos and Titas of Manila.

Dennis go signal lang ni Jennylyn sa kasal ang hinihintay

Birthday ni Dennis Trillo this Saturday, 36 years old na ang lead actor ng The One That Got Away and knowing Dennis, wala itong magarbong party at mas komportable na pamilya at close friends lang ang kasama kung may birthday celebration man siya.

Sa huling interview namin kay Dennis sa taping ng TOTGA, natanong kung may plano na silang magpakasal ni Jennylyn Mercado, “wala” pa rin ang sagot nito. Ang feeling ng mga reporter, si Jennylyn lang ang hinihintay ni Dennis at ‘pag ready na ang girlfriend, magpapakasal na sila.

Aktres nagsisising pinakawalan si Barbie

Medyo may pagsisisi sa kampo ng aktres na original choice para gumanap na mother ni Barbie Forteza sa Inday Will Always Love You, ang rom-com series na magsisimula ang airing sa May 21, pagkatapos ng Kambal Karibal.

May slight na pagsisisi na hindi ti­nanggap ang offer dahil may nakasabay na offer sa kabilang network. Kaya lang, na-delay ang soap na gagawin ng aktres at hanggang ngayon, hindi pa nagti-taping, samantalang ang Inday Will Always Love You ay eere na sa direction ni Monti Parungao.

Napunta kay Manilyn Reynes ang role ng nanay ni Barbie na in fairness, mas bagay dahil Cebuana si Manilyn, sa Cebu ang major location ng rom-com series at komportableng magsalita ng Cebuano.

vuukle comment

ERIC QUIZON

MY 2 MOMMIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with