^

PSN Showbiz

Mansyon sa hit movie na QUIET PLACE, pag-aari ng pamilya Araneta!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mansyon sa hit movie na QUIET PLACE, pag-aari ng pamilya Araneta!

Hindi ko pa napapanood ang American drama thriller movie na A Quiet Place pero kinumpirma ni Veana Fores na bahay nila sa New York ang ginamit sa sleeper hit movie ni Emily Blunt.

Na-curious tuloy ako na makita ang bahay ng mga Araneta sa New York. Nang sabihin ko kay Veana na type ko na magbakasyon sa New York house nila, sinabi niya na may caretaker ang bahay na walang masyadong gamit.

Nagbago lang ang look ng bahay dahil sa mga kasangkapan na inilagay ng production staff. Siyempre, malaki ang kinalaman ng production designer ng pelikula kaya nag-iba ang anyo ng sosyal na bahay ng mga Araneta.

Palabas pa sa mga sinehan sa Metro Manila ang A Quiet Place. Hindi ako magtataka kung madaragdagan ang mga ma­no­nood ng pelikula dahil type nila na makita sa wide screen ang bahay na pag-aari ng mga Araneta na owner ng Smart Araneta Coliseum, Farmers Plaza, Farmer’s Market,  Gateway Mall, Ali Mall Novotel, Cibo at marami pang iba.

Yasmien abot-tanaw na ang inaasam na bahay

Dahil bahay ang topic natin, happy ako dahil malapit nang ma-achieve ang dream house ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr.

Somewhere in the south ang bahay na bibilhin nina Yasmien at Rey.

Ang ganda-ganda ng bahay na American style at bagay na bagay sa pamilya ng mag-dyowa.

Can afford na bumili ng bagong tahanan sina Yasmien at Rey dahil pareho sila na masipag at maru­nong humawak ng pera.

Kayang-kaya ni Rey na bumuhay ng pamilya dahil piloto siya samantalang lead actress naman si Yasmien ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Hindi rin siya nawawalan ng regular show sa GMA 7.

Dina, Maricel, at Snooky buhay na uli ang career

Natutuwa ako dahil active sa TV ang original Regal babies ni Mother Lily Monteverde, sina Dina Bonnevie, Maricel So­ria­no at Snooky Serna.

Ang tatlo ang mga sikat na young actress noong dekada ’80 as in blockbuster ang lahat ng mga pelikula nila sa Regal Films.

Pinilahan noon sa takilya ang Underage movie nina Maricel, Dina at Snooky. Sumikat nang husto si Dina sa Katorse kahit hindi totoo na 14-years old siya nang gawin niya ang kanyang launching movie.

Unang ipinalabas sa mga sinehan ang Katorse noong July 23, 1980 at October 17, 1980 nang i-release ng Regal Films ang Underage.

After 38-years, active na active pa sina Dina, Maricel at Snooky. Napapanood si Dina sa Blood Sisters, starring si Maricel sa The Ge­neral’s Daughter at nanay ni Lovi Poe si Snooky sa The One That Got Away kaya ang wish ng original Underage fans, magkasama uli ang tatlo sa mga teleserye at pelikula.

Mother Lily magaling na, nakasali na sa boodle fight

Happy ako dahil ma­galing na si Mother Lily Monteverde na na-confine sa ospital noong nakaraang linggo na muntik nang maging dahilan para hindi ko ituloy ang trip to Macau and Hong Kong ko.

Well, masigla na uli si Mother dahil nakadalo na siya sa boodle fight dinner para kay Papa Ricky Lo sa bahay nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa sa White Plains, Quezon City.

At dahil feeling good na si Mother, raratsada uli siya sa promo ng Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc., ang My 2 Mommies na showing sa mga sinehan sa May 9. Starring sa My 2 Mommies sina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff at Maricel Soriano.

vuukle comment

A QUIET PLACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with