^

PSN Showbiz

Maraming artista broken-hearted din sa pagsasara ng Bora

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon
Maraming artista broken-hearted din sa pagsasara ng Bora

Maraming tao, kabilang ang mga artista sa mga nalungkot dahil sa anim na buwan na pagsasara ng Boracay island na favorite vacation place nila pero natutuwa sila sa aksyon na ginawa ng Duterte administration para mailigtas ang isa sa mga pinakasikat na isla sa buong mundo.

Sandali lang naman ang anim na buwan. Mas mahalaga na maisalba ang Boracay mula sa pagkawasak dahil na rin sa kapabayaan at pang-aabuso ng mga tao sa kalikasan.

Ang Boracay ang paborito na bakasyunan ng pamilya nina Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado.

Maraming artista ang nagpakasal sa Boracay, sina Jericho Rosales at Kim Jones, Maxene Magalona at Robbie Mananquil, si Miriam Quiambao at ang Italian ex-husband niya na si Claudio Rondinelli, si Gab Valenciano at ang ex-wife nito na si Tricia Centenera, etc.

Nakadalo na ako ng kasalan sa Boracay noong November 2015, ang wedding nina Keith Ryan at Winnie Wang sa Shangri-La.

Si Keith ang first grandson nina Mother Lily at Father Remy Monteverde. Siya ang panganay na anak ni Roselle Monteverde.

Ang ganda-ganda ng Boracay wedding nina Keith at Winnie na dinaluhan ng mga who’s who sa showbiz at business sector.

Habang nasa Boracay ako, never ko naisip na dara­ting ang araw na ipasasara ang isla para linisin ito at hindi tuluyan na mapariwara.

Hindi nag-iisa ang Boracay dahil isinara rin sa mga turista ang Maya Bay sa Phi Phi, Phuket, Thailand. Ipinasara ng Thai government ang Maya Bay dahil sa mga environmental concern.

Sumikat nang husto ang Maya Bay dahil dito kinunan ang mga eksena ng The Beach, ang pelikula ni Leonardo DiCaprio noong 2000.

Jojo Mendrez malapit nang matupad ang pangarap

Ang singer na si Jojo Mendrez ang ka-lunch date namin kahapon ni Papa Ricky Lo.

Maganda ang boses ni Jojo, gaya ng kanyang favorite singer-actress na si Sharon Cuneta na sinusundan niya kahit saan manirahan ang Megastar, meaning, can afford siya.

Malapit nang i-release ni Jojo ang kanyang CD album at kasama rito ang mga favorite song niya na Sana at Handog.

Ipinarinig sa amin ni Jojo ang singing voice niya kaya ako mismo ang makapagpapatunay na may karapatan siya na magkaroon ng career sa local music industry. Si Ona Unico ang tumutulong kay Jojo para matupad ang dream nito na maging professional singer.

Iba-iba raw ang kuwento, pang-iintriga sa mayor na bf ni Bianca ayaw tigilan       

Nagkaroon ng hika/pneumonia si Ehra Madrigal dahil tatlong oras siya na nakababad sa tubig nang lumubog sa dagat ang speedboat na sinasakyan nila ng kanyang mga kasama habang papunta sila sa isang isla sa Antique noong Huwebes Santo. Nakainom din siya ng tubig-dagat at nakasinghot ng gasolina habang palutang-lutang sila bago dumating ang mga nag-rescue sa kanila.

Traumatic para kay Ehra ang karanasan na hinding-hindi na niya malilimutan.

Nagpapasalamat si Ehra sa lahat ng mga nagdasal para sa kanilang kaligtasan. Inamin niya na talagang malaki ang nagbago sa buhay nila ng kanyang asawa na si Tom Yeung dahil sa nangyari.

Nagkuwento si Ehra tungkol sa mga karanasan nila, isang linggo pagkatapos maganap ang tragic accident na kumitil sa buhay ng isa sa mga kasama nila, ang pinsan at bodyguard ni Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan na boyfriend naman ni Bianca Manalo.

Nangyari na ang mga nangyari kaya nakikiusap ang mga sangkot sa aksidente na huwag nang intrigahin pa si mayor dahil sa mga hindi magkakatugma na kuwento ng mga naganap.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with