Daniel

Kathryn lamangng 1 Milyon kay Daniel!
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2018 - 12:00am

Alden mas lodi sa twitter; Angel kinabog na ni Vice

MANILA, Philippines — Patok na patok pa rin ang social media platform na Twitter noong nakaraang taon at parami nang parami ang nakiki-update sa mga lodi nilang artista mapa-local man o international. Ang Twitter pa rin kasi ang isa sa pinakamabilis na platform at simpleng social media site para makapang-i-stalk. Tingnan natin ang 32 Twitter lodis (actor/performer/host) na most followed ngayong taong 2018 base sa statistics ng socialbakers as of March 13.

Kung noong nakaraang taon ay si Angel Locsin ang nanguna with 8.58M followers kinabog siya ngayong taon ni Vice Ganda with 10.6M followers. Maaalalang pumangatlo lang si Vice Ganda last year with 8.49M followers.

Pumangalawa naman last year si Anne Curtis with 8.47M followers. Ngayong taon ay nasa pangalawa pa rin siyang spot with 10.3M followers. Pangatlo na lang si Angel ngayong 2018 with 10.2M followers.

Narito pa ang ibang local celebrities na kukumpleto sa ating 32 Twitter lodis of 2018:

(4th) – Kathryn Bernardo  – 8.1M

Nasa parehong posisyon pa rin siya last year nasa ika-apat na posisyon na may 6.71M followers noon. Mukha namang hindi na siya active sa Twitter kumpara kay Daniel na panay ang tweet. Naka-link naman dito ang kanyang Instagram account kung saan siya mas aktibo.

(5th) – Yeng Constantino7.2M

Pang-lima pa rin si Yeng at na­dagdagan pa rin ang followers niya kahit noong 2011 pa ang huli niyang tweet.

(6th) – Bianca Gonzalez7M

Kahit tumaas naman ng 1M ang followers ni Bianca eh nanatili pa rin siyang nasa ika-6th ng most followed Twitter lodi this year. Aktibo pa rin si Bianca sa pag-tweet tungkol sa political issues ng bansa.

(7th) – Daniel Padilla7M

Same spot din si lodi Daniel sa number 7 at sige pa rin siya sa paggamit ng Twitter sa pag-promote ng kanyang parami nang paraming endorsements. Isang milyon ang pagitan ng followers nila ni Kathryn.

(8th) – Luis Manzano  – 5.8M

Maging si Luis ay nasa same spot at active na active sa pagsagot at retweet. Matapang pa rin siyang sumagot sa bashers pero kapansin-pansing wala pa rin siyang mintis sa pagpapatawa dahil sa mga nakakaaliw na video clips mula sa kanyang linked IG account.

(9th) – Vhong Navarro5.8M

Naungusan naman ni Vhong si KC Concepcion na nasa ika-9 last year. Active rin si Vhong sa Twitter kung saan mahilig  siyang makipagsagutan sa mga kasamahan sa It’s Showtime.

(10th) – KC Concepcion5.4M

Nagkapalit sila ng puwesto ni Vhong this year na hindi na aktibo ngayong taon sa Twitter. Lumabas sa mga balitang gusto na munang magpahinga ni KC sa showbiz at atupagin ang sariling business matapos makipaghiwalay sa former Azkals team captain na si Aly Borromeo.

11. Lea Salonga5.3M

12. Enrique Gil5.2M

13. Julia Montes5.1M

14. Alden Richards5M

15. Sam Milby4.9M

16. Angelica Panganiban4.82M

17. Cristine Reyes4.79M

18. Maine Mendoza4.7M

19. Iya Villania4.4

20. Georgina Wilson4.2M

21. Kim Atienza4.2M

22. Nikki Gil  – 3.99M

23. Karylle3.91M

24. Gary Valenciano3.89M

25. Solenn Heussaff3.87M

26. Christian Bautista3.7M

27. Rachelle Ann Go  – 3.4M

28. Ramon Bautista3.3M

29. Jhong Hilario3.1M

30. Jugs Jugueta  – 3M

31. Ruffa Gutierrez 2.9M

32. Robi Domingo2.9M

PSN32ANNIV2018
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with