^

PSN Showbiz

John inireklamo rin ng P.A. at stylist ng pambabastos?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
John inireklamo rin ng P.A. at stylist ng pambabastos?!

John

MANILA, Philippines — Magsalita kaya ang actor na si Ronnie Lazaro sa totoong nangyari kina John Estrada and Mylene Dizon?

Ito umano ang umawat sa dalawa kung saan din kasali sa nangyari ang dalawang anak ni Mylene sa seryeng The Good Son na sina Joshua Garcia and McCoy de Leon.

At last year pa pala ang gulong ito pero naging super discreet ang ABS-CBN sa investigation.

Lahat daw ng anggulo ay pinag-aralan at lahat ng sangkoy ay kinausap.

At ang resulta diumano, binastos si My­lene ng may sabihing kalaswaan si John na umabot sa tulakan. At ang nagpalakas umano sa pangyari ay nang lumantad at nagreklamo rin ang isang young stylist at P.A. ng programa na umano’y binastos din ng aktor, ayon sa source na insider ng ABS-CBN.

Pinatay sa programang The Good Son si John matapos mangyari ang sinasabing pambabastos kay Mylene at magkaroon daw ng trauma sina Joshua at McCoy dahil narinig nila ang mga sinabi nito kay Mylene.

Bukas ang pahinang ito kung may paliwanag si Mr. Estrada sa totoong nangyari sa kanila ng actress na si Mylene na girlfriend ngayon ni Jason Webb.

KC nagmu-move on na kay Aly!

Ayun, nagsalita na si KC Concepcion sa real status ng relasyon nila ng football player na si Aly Borromeo.

Kinumpirma niyang hiwalay muna sila.

“If the stars choose to align us together again in the future, then why not?

“Who knows what will happen then. 

“Timing is everything. As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings. @alybor11,” IG caption niya sa photo nila ni Aly.

Ito siguro ay bilang pangontra ni KC sa sinabi ni Aly sa interview ng pep.ph na ok pa sila ng aktres. “We’re very close to each other, we’ve been like that ever since.” Na nang tanungin siya tungkol sa isyu ng kasalan ay sumagot si Aly ng “Maybe soon. Maybe next year.”

Pero base sa post ni KC, parang malabo na ang kasalan.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with